KIDAPAWAN CITY (September 30, 2022) โ BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Family Week ngayong Sep 26-Oct 3, 2022, magsasagawa ng job Fair ang Public Employment and Service Office (PESO) katuwang ang City Social welfare and Development Office (CSWD) ngayong araw na ito ng Biyernes, Sep 30, 2022.Kaugnay nito, abot sa pitong local companies at isang overseas agency ang nakatalaga ngayon sa Kidapawan City Gymnasium at magbibigay ng oportunidad para sa mga job seekers mula sa Lungsod ng Kidapawan at mga residente ng kalapit na mga munisipalidad ay maaaring magsumite ng kanilang application at mga credentials, ayon kay Herminia C. Infanta, PESO Manager.Narito naman ang talaan ng mga local companies at mga job opening:Sykgo Marketing โ Cashier, Collector, Credit and Collection OfficerCotabato Sugar Central Company, Inc. โ Health and Safety Officer, Staff Engineer, Quality Assurance Staff, Quality Assurance Section Head, Partner Relationship Management StaffGaisano Grand Mall โ Stock in Charge, Customers Service Staff, Warehouse Staff, Receiving Staff, Electrical Engineer, Mechanical Engineer, Cashier, Sales Assistant, Sales Utility Clerk, Bagger, Re-filler, Utility ManCooperative Bank of Cotabato โ Account Officer, Collection Clerk, Micro-finance Clerk, VXI Global Holdings B.V. โ Customer Service Champion, Technical Support Expert, Sales Representative Home Credit โ Sales AssociateToyota Kidapawan โ Marketing Professional, Parts Warehouseman, Service Billing, Skilled Maintenance PersonnelSamantala, ang Zontar Manpower Services (overseas agency) ay naghahanap ng sumusunod: Waiter (bound for Qatar), Receptionist (bound for Qatar), at Care Worker (bound for Japan).Layon ng aktibidad na mabigyan ng mas malaking pagkakataon ang mga job seekers na makahanap ng mapapasukan na angkop o match sa kanilang kakayahan bilang mga manggagawa.Itinaon ang Job Fair sa kasagsagan ng Family Week celebration sa lungsod sa pangunguna ng CSWD kaya naman inaasahan na magbibigay ito ng oportunidad sa mga pamilya na makabawi mula sa negatibong epekto ng COVID-19 pandemic at makatulong sa pag-angat ng antas ng pamumuhay ng pamilya, ayon kay CSWD Officer Daisy P. Gaviola, CSWD. (CIO-jscj//nl//if)
KIDAPAWAN CITY (September 28, 2022) โ BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng World Rabies Day ngayong araw na ito ng Miyerkules, Sep 28, 2022, naglungsad ng massive anti-rabies vaccination ang Office of the City Veterinarian (OCVET) sa mga purok na matatagpuan sa Barangay Poblacion, Kidapawan City.
Bandang alas-otso ng umaga ay tinungo na ng mga vaccination teams na binuo ng OCVET ang mga purok kung saan gagawin ang pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa, ayon kay Dr. Eugene Gornez, City Veterinarian.
Maliban rito, naglagay din ng vaccination hub ang OCVET sa City Pavilion kung saan maliban sa anti-rabbies vaccination ay nagsagawa din ng ligation, neutering, at pamimigay ng vitamins, antibiotics at wound spray, sinabi ni Dr. Gornez.
Abot naman 10 mga vaccination stations para sa 31 na mga purok ang itinalaga ng OCVET para mas mabilis at mas maraming alagang aso at pusa ang mabakunahan.
Kabilang dito ang Tisa, Cacao, Peras, Black Berry (Mundog Subdivision at Lumogdang Subdivision), Dalandanan, Golden Yellow, Coco, Ponkana, Kalubi (Taran Subdivision, Angie Subdivision, Madrid Subdivision, Villanueva Subdivision), Mansanitas, Apple Mango, Passion Fruit, Camansi, Dragon Fruit (Mendoza Subd., Bolong Subd., Mundog Subd. Beltran Subd., Oliveros Subd).
Dagdag pa rito ang Macapuno, Dalanghita (Lapu-Lapu Street, Baluyot Street), Nangka, Ponkan, Pomelo (Nursery Phase 1 and Phase 2, Encarnacion Subd), Lansones, Manga Pico, Singkamas (Rizal Street, Laurel Street, COTELCO Village), Sampalok, Sunkist, Banana (Bautista Street, Gov. Brynt Street, Carpenter Street), Granada, Papaya (Lola Delang Subd., Icdang Village), Guyabano, Strawberry, (J.I.L Subd., Salandanan Subd.,), Marang, Pilinut (Mt. Apo Village, Lamban Subv).
Nais naman ng OCVET na mabakunahan ng anti-rabies ang mula 500-1,000 na mga asoโt -pusa at 80-100 na mga alaga para sa ligation at neutering ngayong araw na ito.
Tema ng World Rabies Day ngayong taon ay โOne Health, Zero Deaths kung saan binibigyang-diin ang malawakang impormasyon at adbokasiya patungkol sa nakamamatay rabies sa buong mundo.
Kaugnay nito, nanawagan ang OCVET sa mga dog at cat owners na samantalahin ang pagkakataon at dalhin ang kanilang mga alaga upang mabakunahan ang mga ito.
Patuloy din ang paghimok ng tanggapan sa mga mamamayan na maging responsible pet owners kung saan dapat na alagaan at tiyaking hindi makakapaminsala ang kanilang mga aso, pusa at iba pang alaga. (CIO-jscj//if//nl)
PRODUKSYON NG RICE-MONGO CURLS AND INSTANT BABY BLEND PALALAKASIN PARA SA KALUSUGAN NG MGA MAG-AARAL
KIDAPAWAN CITY (September 27, 2022) โ NAGSIMULA ng gumawa ng rice-mongo curls and instant baby blend ang City Nutrition Council (CNC) para sa mga mag-aaral o maliliit na bata mula 2-8 years old.
Ayon kay Melanie Espina, City Nutrition Action Officer, mahalagang na magkaroon ng wasto o sapat na nutrisyon ang mga batang kabilang sa nabanggit na age bracket upang maging maayos ang kanilang paglaki at manatiling malusog ang pangangatawan.
Rice at monggo seeds ang pangunahing sangkap ng produkto na highly recommended para sa mga bata dahil taglay nito ang kinakailangang nutrients tulad ng carbohydrates, protein, fats, vitamins and minerals at nagsisilbi ring antioxidant, ayon pa kay Espina.
Taglay din naman ng rice o bigas ang carbohydrates, protein, potassium, at magnesium na kailangan ng katawan ng tao, dagdag pa ni Espina.
Dumadaan naman sa ligtas na proseso ang paggawa ng rice-mongo curls tulad ng grinding, pulverizing, mixing, at packaging (30 g) gamit ang mga makinaryang tulad ng disc grinder, pulverizer, cereal puffing machine, forced draft dryer, octagonal mixer at digital top loading balance.
Matatandaang una ng gumawa ng masustansyang Rise Mo o Rice-Sesame-Monggo baby food blend and CNC at DOTC para naman sa mga batang 6-35 months old.
Layon nito na mabigyan ng masustansyang pagkain ang mga batang maituturing na malnourish upang maging malusog at maayos ang pangangatawan.
Samantala, katuwang ng CNC ang Department of Science and Technology (DOST) sa produksyon ng rice-mongo curls kung saan sila itinuturo nito ang step-by-step na pamamaraan ng pagluto at tinitiyak din ang kalidad at kaligtasan ng produkto.
Katunayan, nagsasagawa ngayon ng 2-day Complementary Foods Technology Transfer (Sep. 27-28, 2022/Complementary Food Production Center, Kidapawan City) ang DOST sa pangunguna nina Engr. Jayson G. Tagaroma, Science Research Specialist at Engr. Eugenio M. Ramirez, Specialist, DOST-Food Nutrition Research Institute.
Kasama sa aktibidad ang mga ilang mga personnel mula sa CNC, at Barangay Nutrition Scholars.
Matapos naman ang dalawang araw ay inaasahang makakapag-supply na ang CNC ng rice-mongo curls and instant baby blend sa ibaโt-ibang mga pampubliko at maging pribadong paaralan sa lungsod. (CIO-jscj//if/nl/vh)
KIDAPAWAN CITY (September 25, 2022) โ REGULAR na nagsasagawa ng Pre-Employment Orientation Seminar at Pre-Employment Seminar for Local Applicants o PESLA ang Public Employment Service Office o PESO ng Kidapawan City.
Ito ang sinabi ni PESO Manager Herminia Infanta kung saan kanyang ipinabatid na gagawin ang pinakabagong PEOS-PESLA sa Kidapawan City Gymnasium sa araw ng Martes, Sep 27, 2022, alas-otso ng umaga.
Layon ng aktibidad na mabigyan ng tamang referral and placement at iba pang impormasyon ang mga regular walk-in applicants na naghahanap ng mapapasukan sa mga local companies ganundin ang mga overseas job seekers.
Bahagi naman ito ng mandato ng PESO na tulungan hindi lamang ang mga aplikante mula sa Lungsod ng Kidapawan kundi pati na mga naghahanap ng trabaho mula sa mga kalapit na mga munisipalidad.
Sa pinakabagong PEOS-PESLA ay nakibahagi at tumulong ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa PESO sa pamamagitan ng pag-forward ng pangalan ng mga interesadong job seekers na una ng nakiisa sa pagbubukas ng National Family Week celebrations ngayong araw na ito ng Lunes, Sep 26, 2022.
Kaugnay nito, inaasahan na mas marami ang makikinabang sa PEOS-PESLA at magiging daan ito upang makahanap ng trabaho ang malaking bilang ng mga job applicants mula sa Kidapawan City at mga kalapit na bayan sa Lalawigan ng Cotabato. (CIO-jsc//if//)
KIDAPAWAN CITY (September 26, 2022) โ SINIMULAN ang pagdiriwang ng Family Week Celebration sa City Convention Center, Kidapawan City ngayong umaga ng Lunes, Sep 26, 2022 sa pamamagitan ng isang simpleng programang pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO.
Sa temang โUrbanisasyon at Pamilyang Pilipino: Magkaagapay sa Pagpapatibay at Pagpapaunlad ng Bansaโ ay gagawin ang ibaโt-ibang aktibidad mula Sep 26-Oct 3, 2022 na magpapalakas at magpapatibay sa pamilya bilang basic unit of the society.
Kabilang dito ang lectures on Family and Values and Strong Family Foundations mula kina Flordeliza M. Buhay na isang Doctor of Clinical Psychology at owner/Administrator ng Montessori School for Life at Pastor Venancio M. Ming-gong ng Christ Vineyard Community.
Bawat taon mula noong 1992 ay ipinagdiriwang sa bansa ang Family Week mula Sep 26-Oct 3, 2022 bilang pagkilala sa kahalagahan ng pamilya at ang malaking kontribusyon nito sa pag-unlad ng bansa, ayon kay Daisy P. Gaviola, RSW, City Social Welfare and Development o CSWD Officer na siyang nagbigay ng Opening Remarks sa programa.
Kaugnay nito, ipinarating naman ni City Mayor Atty. Jose Paolo ang kanyang pagbati sa mga pamilyang lumahok sa programa at hinimok ang mga ito na patuloy na pagyamanin ang pamilya at panatilihin ang mga makabuluhang bagay na ginagawa para sa pamayanan.
Tiniyak din niya ang suporta sa mga programa ng CSWD na naglalayong mapaangat ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilya at maging bahagi sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lungsod.
Nagtapos naman ang Family Week Celebration opening day sa pamamagitan ng pamamahagi ng Certificate of Appreciation kung saan nanguna rito si Assistant CSWDO Aimee S. Espinoza, RSW. (CIO-jscj//if//nl)
KIDAPAWAN CITY (Sep 22, 2022) โ ISA na namang tagumpay ang nakamit ng mga samahan ng Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kidapawan City.
Ito ay makaraang makatanggap sila ng biyaya sa ilalim ng Tulong Puso grants mula sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12 at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment o DOLE 12.
Ginanap ang ceremonial distribution ng Tulong Puso sa The Carpenter Hill, Koronadal City ngayong araw na ito ng Huwebes, Sep. 22, 2022.
Ang mga mapalad na asosasyon ay kinabibilangan ng OFW Associations ng Sikitan, Linangkob, Habitat (Sudapin), Kalasuyan na pawang tumanggap ng first tranche at Gayola at Binoligan na pawang tumanggap ng second tranche, ayon kay Aida R. Labina, Public OFW Desk Officer o PODO ng Kidapawan City.
Tig-P300,000 na halaga ng tseke ang natanggap ng Sikitan at Linangkob OFW Associations habang tig-P400,000 naman ang Habitat (Sudapin), Kalasuyan, Gayola, at Binolagan OFW Associations.
Kaugnay, nito pinasalamatan ni Labina si OWWA 12 Assistant Regional Director Arlene Bisnon na siya namang panauhing pandangal ng okasyon sa kapaki-pakinabang ng programa ng tanggapan.
Pinasalamatan din niya si Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista sa patuloy na suporta sa PODO at sa mga OFWs sa lungsod.
Dumalo din sa nabanggit na ceremonial distribution si Surralah Municipal Mayor Pedro M. Matinong, Jr. at mga personnel mula sa tanggapan ni South Cotabato 1st District Representative Peter B. Miguel.
Layon ng Tulong Puso Program ng OWWA na suportahan ang mga lehitimong grupo o OFW associations sa pamamagitan ng pagbibigay ng grants upang magamit sa negosyo at iba pang uri ng livelihood o kabuhayan ng mga miyembro.
Nahahati naman ito sa tatlong bahagi โ Livelihood Start-up o pagtatayo at pagsisimula ng negosyo, Livelihood expansion o pagpapalawak ng negosyo o pinagkakakitaan, at Livelihood Restoration o pagtulong sa mga negosyo o kabuhayan ng mga OFWs na matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Kabilang naman ang mga nabanggit na OFW associations sa medium-sized OFW groups (16-30 members) kung kayaโt nakatanggap sila ng mula P300,000 to P400,000 na grant o funding kung saan lahat ng mga miyembrong OFW ay accredited /member ng OWWA. (CIO-jscj//if/photos by PODO Kidapawan)
KIDAPAWAN CITY (Sep 22, 2022) โ BILANG bahagi ng ayudang matatanggap mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, isinagawa ang orientation ng Sustainable Livelihood Program o SLP para sa mga Overseas Filipino Worker o OFWs at mga Out-of-School-Youth o OSY mula sa Barangay Poblacion, Kidapawan City.
Abot sa 20 na OFws at 20 na OSY ang dumalo sa naturang aktibidad na ginanap sa Barangay Poblacion Gymnasium, Kidapawan City, alas-nuwebe ng umaga ngayong araw ng Huwebes, Sep. 22, 2022.
Mahalaga ang orientation para sa mga benepisyaryo upang maunawaan nila at magkaroon ng ibayong malasakit sa programa ng SLP na naglalayong tulungan ang ibaโt-ibang sektor na una ng naapektuhan ng COVID-19 pandemic at iba pang kalamidad, ayon kay Micahel Joseph S. Salera, Project Development Officer II ng DSWD 12 na nanguna sa pagbibigay ng kaalaman sa mga partisipante kasama si Rex P. Tapia, personnel mula sa CSWD.
Nakapaloob sa orientation ang social preparation at capability building kasama na ang pagtatatag ng asosasyon ng mga benepisyaryong OFW at OSY, dagdag pa ni Salera.
Pinasalamatan ni Salera si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa mahusay na koordinasyon at suporta sa mga programa ng DSWD para sa nabanggit na mga sektor.
Ipinarating din niya ang pasasalamat kay CSWD Officer Daisy P. Gaviola sa patuloy na implementasyon ng mga programa ng DSWD at paghimok sa mga benepisyaryo na pagbutihin at pagyamanin nang ang kanilang natatanggap na tulong upang ito ay maging instrumento sa pag-unlad ng kanilang buhay.
Sa kasalukuyan, abot na sa walo ang naitatag ng Sustainable livelihood Program Associations o SLPA sa Lungsod ng Kidapawan kung saan nakatanggap na ng mga tulong tulad ng business starter kits at iba pa ang mga benepisyaryo tulad ng Solo/Single Parent, Persons with Disability o PWD, Persons who Used Drugs o PWUD, OFW, at OSY.
Mula naman sa Office of the President o tanggapan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, Jr. ang pondo ng DSWD12-SLP. (CIO-jscj//if/nl)
Inaprubahan na ng mga miyembro ng Sanggunaing Panlungsod Ng Kidapawan ang Executive Legislative Agenda o ELA ng City Government. Nakasentro ang ELA sa konseptong LUNTIAN KIDAPAWAN na isinusulong ni Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa loob ng tatlong taong pamamahala. Nakapaloob dito ang mga programa at proyektong ipatutupad at tatahakin ng City Government. Ang ELA ay inaprubahan ng konseho sa pamamagitan ng Resolution number 090 s. 2022 nito lamang September 8, 2022. (CIO
KIDAPAWAN CITY โ (September 21, 2022) UNTI-UNTI ng naisasakatuparan ng City Government of Kidapawan ang minimithing seguridad sa pagkain para sa mga Kidapawenyo at pagpapaunlad sa pamumuhay ng mga magsasaka ng lungsod.
Ito ay matapos pormal na ipinasa ng Department of Agriculture Region XII sa pamamagitan ng Agri-Business and Marketing Assistance Division (AMAD) nito ang bagong Kidapawan City Trading Post sa Barangay Magsaysay na nagkakahalaga ng P3M ngayong umaga ng Miyerkules, September 21, 2022.
Itinayo ang proyekto sa panahon ni dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph Evangelista upang tugunan ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ng mga Kidapawenyo laban sa pananalasa ng COVID-19 pandemic na naka-apekto sa kabuhayan ng marami.
Sa kanyang mensahe, Pinasalamatan ni Mayor Atty. Pao Evangelista ang Department of Agriculture o DA sa pagbibigay ng proyekto na mapapakinabangan ng mga magsasaka sa lungsod.
Sinabi ni Mayor Evangelista na hindi lamang sa pagtatanim dapat umalalay ang gobyerno sa mga magsasaka, bagkus ay tungkulin din ng gobyerno na bigyang insentibo ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maibenta ng tama ang kanilang mga produkto.
Maraming mga pamilyang Kidapawenyo ang naka depende sa agrikultura, dagdag pa ni Mayor Evangelista, kung kaya at prayoridad ng kanyang liderato na mapa-unlad ang kabuhayan ng mga magsasaka.
โ๐๐ง ๐ธ๐ฆ ๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ท๐ข๐ต๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฒ๐ถ๐ข๐ญ๐ช๐ต๐บ ๐ฐ๐ง ๐ข๐จ๐ณ๐ช๐ค๐ถ๐ญ๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ ๐ช๐ฏ ๐๐ช๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ, ๐ธ๐ฆ ๐ข๐ญ๐ด๐ฐ ๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ท๐ข๐ต๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฆ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ฐ๐ฎ๐ช๐ค ๐ด๐ช๐ต๐ถ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฐ๐ง ๐ง๐ข๐ฎ๐ช๐ญ๐ช๐ฆ๐ด ๐ช๐ฏ ๐๐ช๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ. ๐๐ง ๐ธ๐ฆ ๐จ๐ช๐ท๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ฎ ๐ฐ๐ฑ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ต๐ถ๐ฏ๐ช๐ต๐ช๐ฆ๐ด ๐ต๐ฐ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ท๐ช๐ฅ๐ฆ ๐ง๐ฐ๐ฐ๐ฅ ๐ฐ๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ต๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ, ๐ ๐ต๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฌ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐จ๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ฉ๐ข๐ด ๐ข๐ญ๐ณ๐ฆ๐ข๐ฅ๐บ ๐ฅ๐ฐ๐ฏ๐ฆ ๐ช๐ต๐ด ๐ฑ๐ข๐ณ๐ต ๐ต๐ฐ ๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ท๐ข๐ต๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ญ๐ช๐ท๐ฆ๐ด ๐ฐ๐ง ๐ช๐ต๐ด ๐ฑ๐ฆ๐ฐ๐ฑ๐ญ๐ฆโ, mensahe pa ni Mayor Evangelista.
Magsisilbing food terminal ang bagong pasilidad na papatakbuhin ng City Agriculture Office kung saan ay bibilhin ng City Government ang mga produkto ng mga magsasaka.
Mula sa Trading Post ay ibabyahe at ipagbibili ng lungsod ang mga agricultural products nito sa mas malalaking pamilihan sa ibang lugar ng bansa.
Nagmula naman ang pondo sa DA samantalang nagsilbing equity ng City Government ang lupa kung saan itinayo ang Trading Post.
Pinangunahan nina Mayor Evangelista at ni DA12 AMAD Chief Dr. Ismael Intao ang turn-over ceremony ng Trading Post kung saan ay binasbasan naman ni Rev. Fr. Alfredo Palomar, DCK.
Dumalo din sina SP Committee on Agriculture Chair Carlo Agamon, City Agriculturist Marissa Aton at mga opisyal ng DA at City Government sa nabanggit na aktibidad.
Tiniyak naman ni Mayor Evangelista na pangangalagaan at patatakbuhin ng maayos ng City Government ang bagong Kidapawan Trading Post. (CMO-cio)
KIDAPAWAN CITY – ( September 19, 2022) – NAGING POSITIBO ang resulta ng ginawang pakikipagpulong ni Kidapawan City Mayor Atty.Jose Paolo M. Evangelista sa mga City Mayors ng Rehiyon dose nitong September 16, 2022.Layunin ng pagpupulong ang pagkakaroon ng matatag na ugnayan ng mga Local Chief Executives o mga City Mayors ng bawat rehiyon alinsunod sa mithiin ng League of Cities in the Philippines o LCP.Nagsilbing host ng luncheon meeting si Koronadal City Mayor Eliordo Ogena.Maliban kina Mayor Ogena at Evangelista, dumalo din si Tacurong City Mayor George Lechonsito samantalang di naman nakadalo si General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao dahil sa naunang engagement nito.Gayunpaman ay pinag-usapan nina Mayor Ogena, Evangelista at Lechonsito ang kani-kanilang best practices sa usapin ng maayos na pamamahala at pagpapatakbo ng kani-kanilang Local Government Units.Si Mayor Ogena ay nasa kanyang ikalawang termino, ay siyang representante ng Region 12 sa maimpluwensyang LCP.Habang sina Mayor Evangelista, Lechonsito at Pacquiao ay mga neophyte Local Chief Executives.Tiniyak ng naturang mga opisyal na sa pamamagitan ng matatag na ugnayan ng mga lungsod ng Kidapawan, Koronadal, Tacurong at General Santos City ay mas lalago pa ang kanilang mga nasasakupan at buong SOCCSKSARGEN Region sa pangkalahatan.##(CMO-cio with reports from Tacurong City LGU)