Month: May 2023

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

Mas maginhawa na ang daloy ng mga sasakayan sa daan ng purok 3 patungong purok 7 ng barangay Gayola matapos pagawan ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan ng road concrete ang lugar.

Ang Barangay Gayola ay matatagpuan sa pagitan ng Barangay San Isidro at Barangay San Roque. At may mga pangunahing produkto na kinabibilangan ng palm, niyog, goma, palay, mais, saging, graba at buhangin. Ang nasabing barangay ay isa lamang sa mga pook ng lungsod na namomroblema sa kalagayan ng kanilang daan, lalo na tuwing tag-ulan. Partikular na ang purok 3 ng nasabing barangay na syang pinakamadalas na daanan ng mga sasakyan dahil mas malapit ito papunta ng purok 7 at barrio, gayundin papunta ng brgy. San Roque na katabing barangay nito.

Madalas na ginagamit ng mga taga Brgy. San Roque ang daan sa purok 3 ng barangay Gayola palabas ng bayan upang ikalakal ang kanilang mga produkto โ€“ na kadalasan ay ikinakarga sa mga nagsisilakihang truck. At dahil sa pinagsamang uri ng lupa, laki at bigat ng mga sasakyang dumadaan dito, at maulang panahon ay nagkakaroon dito ng mga animoy maliliit na fishponds na sya namang naging pangunahing problema na kanilang hinaharap. Ang mga sasakayan kasi na dumadaan dito ay madalas na naaantala dahil sa nababaon ang mga gulong nito sa daan, dagdag pa dito ay pinangangambahan nila na kapag sa panahon ng emergency ay maantala ang kanilang pagbyahe. Dahil dito ay napipilitan silang lumibot sa mas malayong ruta upang maiwasan ang pagkaantala.

Subalit ngayon ay mas mabilis na ang tranportasyon sa lugar mula nang matapos ang road concreting sa nasabing barangay ay mas naging matiwasay ang naging daloy ng kalakaran sa kaniang lugar. Ang nasabing road concreting project na nagdudugtong sa purok 3 at purok 7 ng barangay ay may habang tatlong daan at apat na puโ€™t limang metro o 345 meters na nagkakahalaga naman ng abot sa P2, 877, 749 โ€“ pondo na nagmula sa Local Government Support Fund โ€“ Support to Barangay Development Program. Dagdag pa rito ay nakipagtulungan din ang NTF ELCAC, DBM at DILG sa proyekto na naisakatuparan sa pamamagitan ng City Government of Kidapawan.

Lubos ang galak at pasasalamat ng mga residente sa natanggap na proyekto. Inaasahan nila na sunod-sunod na ang pagpasok ng kaunlaran sa kanilang lugar at matamasa ng susunod na henerasyon ang benepisyo na hatid ng maayos at matibay na daan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (May 6, 2023) The City Government here has awarded cash incentives and certificates of recognition to elementary and secondary athletes who won medals during the  SOCCSKSARGEN Regional Athletic Meet.

This is in recognition and appreciation for the athletes who won during the events of the SRAA the City of Kidapawan successfully hosted recently.

Gold medallist received P5,000 cash incentive each while those who won silver and bronze were awarded with P3,000 and P1,000 respectively. 

City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista along with DepEd City Schools Division Superintendent Dr. Natividad Ocon CESO VI, City Councilors Judith Navara, Morgan Melodias, Mike Ablang, Jason Roy Sibug, Cenn Teena Taynan, Atty. Francis Palmones Jr and Cotabato Vice Governor Efren Piลˆol who represented Governor Emmylou Taliลˆo – Mendoza, conferred the awards to winning athletes of the Kidapawan City delegation.

Winning coaches were also given certificates of recognition during the ceremony held at the city gymnasium on Saturday morning, May 6, 2023.

Mayor Evangelista assured his sustainable support, recognition and giving of incentives to athletes and coaches representing  Kidapawan City in all sporting events.

Related to this, the Mayor is grateful to all who contributed for the organized, orderly, peaceful and successful conduct of the SRAA meet.

โ€œ This SRAA meet will forever be remembered in the annals of SOCCSKSARGEN history as the best ever organized . This will not be taken away from usโ€, Mayor Evangelista  proudly said.

Especially mentioned was the warm hospitality and provision of the hygiene kits, unlimited water supply, and security for all athletes and delegates in their billeting quarters and playing venues in the different parts of the city during the week-long meet.

Kidapawan City won a total of 32 gold, 31 silver and 56 bronze medals and placed 5th overall in the 2023 SRAA Regional Athletic Meet.##(CMO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (May 3, 2023) โ€“ UPANG mapalawak pa ang kanilang kaalaman at mapalalim ang kakayahan, sumailalim sa dalawang araw na Good Agricultural Practices o GAP Training for Fruits ang abot sa 25 mga fruit growers mula sa Kidapawan City.

Ginanap ang naturang training sa Dr. Alfredโ€™s Essetials, Inc. mula Mayo 2-3, 2023 kung saan naging resource persons ang mga personnel mula sa Department of Agriculture โ€“ Regional Field Office 12 na sina Isidro Abrazado at Aiza Mae Godornes, pawang mga Agriculturist II.

Nagsilbing facilitator ng aktibidad sina Agricultural Technologist Corafer Moreno at High Value Crops Coordinator Anthony Samoy (GAP Coordinators).

Sa unang araw ay ibinahagi sa mga partisipante ang pamamaraan sa pagkamit ng Philippine Good Agricultural Practices o PhilGAP Certification (4 modules) at matapos ay nagkaroon din sila ng open forum para sa paglilinaw at karagdagang tugon sa mga inquiries mula sa mga fruit growers.

Sa pangalawang araw naman ng pagsasanay ay ginawa ang field visitation, pre-assessment and validation sa mga fruit farms (durian, lansones, manga, pomelo, pineapple, at mangosteen) na matatagpuan sa mga barangay ng Ginatilan, Meohao, Balabag, Mua-an, Indangan, at Sibawan na pag-aari mismo ng mga partisipante.

Nagkaroon din sila ng pagkakataon na makapag-tour sa mismong farm ng Dr. Alfredโ€™s Essentials, Inc. kung saan nakatanim ang daan-daang mga puno ng mangosteen na pinagmumulan ng ibaโ€™t-ibang produkto tulad ng mangosteen coffee, juice, tea at iba pa.

Maliban sa layuning mapalakas ang produksiyon ng mga fruit grower, target din na gawin silang mga active partners sa pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura ng local government, ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan.

Bahagi naman ng pagdiriwang ng Farmersโ€™ and Fisherfolkโ€™s Month Celebration ngayong buwan ng Mayo, 2023 ang GAP training na may temang โ€œMasaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiyaโ€.
Naniniwala ang Office of the City Agriculturist na sa pamamagitan ng aktibidad ay magkakaroon sila ng mas malawak na market linkage and opportunity at magampanan ang mahalagang papel sa pag unlad ng sektor ng agrikultura sa Kidapawan City.

Tumanggap naman ng Certificate of Training ang mga partisipante sa pagtatapos ng 2-day training. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (May 2, 2023) โ€“ KAILANGANG magkaroon ng sapat na proteksyon laban sa delikadong sakit na Measles Rubella ang mga sanggol at mga batang nagkakaedad ng 0-59 buwan. Ito ang layunin ng Measles Rubella โ€“ Supplemental Immunization Activity o MR-SIA na inilungsad sa Barangay Balindog (Covered Court), Kidapawan City alas-nuwebe ng umaga, ngayong araw na ito ng Martes, Mayo 2, 2023.Magkatuwang ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Cotabato Province at City Health Office (CHO) ng Kidapawan sa Joint Provincial and City launching kung saan kasama ang mga personnel mula sa Department of Health (DOH-12).Si Dr. Jose Martin Evangelista, Pediatrician ng CHO ang nagpaliwanag kung gaano kahalaga ang Measles Rubella vaccine para sa mga bata at binigyang-diin niya ang panganib na dulot nito kung hindi sila mababakunahan. Ang Measles Rubella ay isang uri ng nakakahawang sakit na dulot ng virus at madalas tumama sa mga sanggol o mga bata kung saan kinakikitaan ng pantal o pamumula ng balat, lagnat, sakit ng ulo, pamamaga ng lymph nodes at iba pa.Dalawang bata ang unang binakunahan bilang bahagi ng ceremonial vaccination na isinagawa ng mga vaccinators mula sa IPHO at CHO. Matapos nito ay inumpisahan na ang pagbabakuna sa abot sa 50 mga bata mula sa Barangay Balindog na dinala ng kanilang mga magulang o caretakers sa vaccination site.Magtatagal ng 30 days ang MR-SIA kung saan pupunta sa mga Purok sa buong lungsod ang mga vaccinators para turukan ng measles-rubella vaccine ang mga batang edad 0-59 months old.Nasa bilang na 128,744 na mga bata sa buong Lalawigan ng Cotabato ang nasa talaan ng IPHO at target na mabakunahan ang abot sa 95% o katumbas ng 122,306 na mga bata, ayon kay Kathy Cino, Cluster Head ng DOH Vaccination Team.Ibinahagi din niya ang mahalagang layunin ng Universal Health Care (Kalusugan Pangkalahatan) na ang bawat mamamayang Pilipino ay magkakaroon ng access o makatatanggap ng kalidad na serbisyong pangkalusugan, kabilang dito ang pagbabakuna ng measles-rubella vaccine.Samantala, dumalo din sa aktibidad sina CHO Nurse Supervisor Juanita Santos, National Immunization Program Coordinator Evelyn Cari, Dr. Kenneth Pedregosa mula sa DOH-CHD, Barangay Kagawad Rosemarie Torralba na siyang kumatawan kay Punong Barangay Angelo Saniel at iba pang mga opisyal ng barangay. Inaasahang magbibigay-daan para sa dagdag na proteksyon at kaligtasan ng mga bata ang 30 araw na pagbabakuna laban sa measles rubella at makaiwas sila sa mas malalang sitwasyon tulad ng komplikasyon o kamatayan. (CIO)

๐— ๐—”๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿฏ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—๐—ข๐—• ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š๐—ฆ ๐—ง๐—”๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿญ๐—ฆ๐—ง ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—ข๐—ฅ ๐——๐—”๐—ฌ ๐—๐—ข๐—• ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ, ๐—ฃ๐Ÿฐ๐Ÿณ.๐Ÿต๐—  ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐——๐—œ๐—Ÿ๐—ฃ, ๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง, ๐——๐—œ๐—ฅ๐—˜๐—–๐—ง ๐—”๐——๐— ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐——๐—œ๐—ช๐—” ๐—”๐—ง ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข ๐—–๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฉ๐—”๐—ก ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐——๐—œ๐—ก

thumb image

KIDAPAWAN CITY (May 1, 2023) โ€“ MAHIGIT sa tatlong libong trabaho o job vacancies ang maaaring mapasukan ng mga jobseekers sa 121st Labor Day Job Fair simula ngayong araw na ito ng Mayo 1 (Labor Day) hanggang Mayo 3, 2023 o 3-day Job Fair na ginaganap sa City Gymnasium ng Kidapawan, 8AM-4PM.Ito ang masayang anunsiyo ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 Regional Director Joel M. Gonzales, Guest of Honor sa formal opening program ng aktibidad na isa sa tatlong mga highlights ng selebrasyon ng Labor Day sa Kidapawan City.Sinabi rin ni RD Gonzales na mahigit sa 4,000 ang mga aplikante na sumailalim sa pre-registration ng job fair, batay na rin sa data mula sa Public Employment Service Office o PESO ng Kidapawan na pinamumunuan ni PESO Manager Herminia Infanta.Patunay raw ito ng mainit sa suporta ng mamamayan sa aktibidad lalo na ang mga nais magkaroon ng maayos na trabaho at gawaing angkop sa kanilang kakayahan at kapasidad.Dumalo sa pagbubukas ng 3-day job fair si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kung saan pinasalamatan niya ang DOLE, PESO at mga partner companies/agencies sa patuloy na pagtutulungan ng mga ito na maisakatuparan ang job fair para sa kapakanan ng mga jobseekers.Masaya ang alkalde sa pagdagsa ng daan-daang mga jobseekers sa pagbubukas pa lamang ng job fair ngayong umaga kung saan nagmula ang mga ito sa Kidapawan City at mga karatig-munisipyo sa Lalawigan ng Cotabato at iba bahagi ng Rehiyon 12 o SOCCSKSARGEN. Nasa 33 naman mga kumpanya (26 local at 7 overseas) ang partner ng PESO Kidapawan sa pagsasagawa ng job fair kung saan nagbukas sila ng ibaโ€™t-ibang uri ng trabaho tulad ng supervisors, laborers, technicians, cashiers, managers, drivers, cook, nurses, engineer, foreman, customer service, sales representative, project coordinators, sales executive, marketing assistant, mechanics, electrician, welder, at marami pang iba. Nakiisa din sa aktibidad si Cotabato Governor Emmylou Talino-Mendoza at sinabing ang presensiya ng maraming establisimiyento sa lungsod ay nagbibigay ng malaking oportunidad para sa dagdag na employment at kasunod nito ay ang lalong pagsigla ng lokal na ekonomiya.Samantala, dumating din at nagbigay suporta sa programa ang ilang mga opisyal mula sa Rehiyon Dose at ito ay kinabibilangan nina Department of Trade and Industry o DTI 12 Regional Director Flora P. Gabunales, Mayor Tomando Mangudadatu ng Colombio, Sultan Kudarat, 2nd District of Cotabato Political Officer Ii Douglas Moneva bilang kinatawan ni Congressman Rudy S. Caoagdan, DOLE Cot PD Marjorie Latoja, DOLE 12 Assistant RD Arlene Bisnon na siyang pormal na nagbukas ng job fair at iba pang mga bisita.Matapos buksan ang job fair ay ginawa naman ang ceremonial release ng DOLE integrated Livelihood Program o DLIP (P28.5M) para sa ibaโ€™t-ibang benepisyaryo sa Region 12, Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD (P15.4M), at Direct Administration Project (P4M) o kabuuang P47.9M na halaga ng proyekto.Matapos nito ay sumunod ang ribbon cutting at formal opening ng dalawa pang mahahalagang bahagi ng Labor Day celebration at ito ay ang Kadiwa at Diswento Caravan.Laan ang mga ito para sa mga mamamayan upang makinabang sila sa mga murang bilihin tulad ng agricultural products, kagamitang pang-eskwela, at iba pang mahahalagang bilihin.Inaasahan namang makatutulong ng malaki ang 3-day job fair upang tumaas ang employment rate sa lungsod at ang ginawang releasing of livelihood projects dahil magsisilbing oportunidad sa mga naghahangad na mapaangat at mapaganda ang buhay sa pamamagitang ng mga programa at proyekto ng LGU at ahensiya ng pamahalaan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (May 1, 2023) โ€“ PINANGUNAHAN nina Department of Labor and Employment (DOLE) 12 Regional Director Joel Gonzales at Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang isang tree planting activity sa National Highway โ€“ Boundary ng Barangay Binoligan at Barangay Amas, Kidapawan City, alas-7 ng umaga sa pagdiriwang ngayong araw ng Labor Day.

Mga binhi ng pine tree (Agoho) ang itinanim ng dalawang opisyal kung saan ipinahayag ni RD Gonzales ang kanyang kasiyahan na maging bahagi sa sama-samang pagtatanim para sa proteksyon ng kapaligiran.

Sa naturang pagkakataon ay nagtanim din ang mga personnel ng Public Employment and Service Office sa pangunguna ni PESO Manager Herminia Infanta.

Mula 200-300 seedlings ang matagumpay na naitanim sa lugar, ayon sa City Environment and Natural Resources o CENRO na kasama rin sa pagtatanim ng nabanggit na mga puno at bilang lead agency ng tree planting.

Bahagi naman ito ng CANOPY 25 Project ng City Government of Kidapawan na naglalayong makapagtanim ng abot sa 2.5 milyong punong-kahoy sa mga strategic areas tulad ng Sarayan River sa Barangay Ginatilan, Watershed sa Barangay Perez, at kahabaan ng boundary ng Barangay Lanao-Barangay Amas ng lungsod at iba pang piling lugar.

Dumalo din sa aktibidad si DOLE Cotabato Senior Labor Officer Ernesto Coloso at si Acting City Administrator Janice Garcia.

Samantala, dadalo naman sa pagbubukas ng 3-day Job Fair sa City Gymnasium, alas-otso ng umaga ngayong araw si RD Gonzales bilang panauhing pandangal kung saan ibaโ€™t-ibang local and overseas companies ang mag-aalok ng trabaho sa mga jobseekers. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 29, 2023) โ€“ PORMAL ng nagtapos ang limang araw na pagsasagawa ng SOCCSKSARGEN Regional Athletic Meet Association o SRAA Meet 2023 kahapon, Abril 28, 2023.

Ginanap ang makasaysayang pagtatapos ng SRAA Meet โ€™23 sa Kidapawan City Plaza sa pangunguna ni Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang mga opisyal ng Department of Education o Deped 12 sa pangunguna ni Regional Director Carlito Rocafort.

Sa kanyang mensahe, taos-pusong pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang lahat ng sektor na nakiisa at nagbigay ng ibayong suporta sa pagsasagawa ng SRAA Meet sa lungsod sa kauna-unahang pagkakataon.
Sinabi ng alkalde na tinanggap niya ang napakalaking hamon na isagawa ang SRAA Meet sa Kidapawan City na siya namang pinakamalaki at pinakaaabangang sports event sa buong Region 12.

Hindi naman raw nabigo ang bawat isa dahil sa kabila ng maikling panahon ng preparasyon at sa harap ng malalaking hamon tulad ng masamang panahon, banta ng COVID-19 at iba pa ay nalagpasan lahat ito at sa katunayan ay namumukod-tangi sa kasaysayan ng SRAA ang pagsasagawa nito sa Kidapawan City.
Sa kanyang panig, pinasalamatan ni RD Rocafort si Mayor Evangelista at ipinahayag ang kanyang lubos na kasiyahan sa matiwasay at organisadong takbo ng SRAA Meet โ€™23 sa Kidapawan City.

Bahagi naman ng closing program ang performance o pagpapakita ng husay sa pagkanta ng Kidapawan City LGU Choral Group at sinundan ito ng lowering of banners sa pangunguna ng mga Schools Division Superintendent mula sa walong delegasyon kabilang sina Dr. Natividad Ocon ng Kidapawan City Schools Division at Romelito Flores ng Cotabato Schools Division at iba pa.

Naging madamdamin din ang ginawang extinguishing of the friendship torch na pinangunahan ni 2019 Palarong Pambansa athlete Mark Dwayne Cano na siyang hudyat ng pagtatapos ng SRAA meet ngayong taon.
Samantala, gaganapin naman sa General Santos City ang SRAA Meet sasusunod na taon, matapos na tanggapin ng Executive Assistant to the City Mayor’s Office na si Joey Concepcion ang SRAA Banner kahapon. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (April 27, 2023) CITY MAYOR ATTY. JOSE PAOLO EVANGELISTA welcomed Koronadal City Mayor Eliordo U. Ogena and Local Government Officials on the fourth day of the SOCCSKSARGEN- SRAA Regional Athletic Meet this city is hosting.

Mayor Ogena was in town to personally visit and show support to the Koronadal City delegation competing in the SRAA Meet.

Before he could do so, Mayor Ogena first dropped by Mayor Evangelistaโ€™s office at the City Plaza for a short courtesy visit.

The two officials talked on the recent developments in their respective cities and updates of the SRAA Meet.

Mayor Ogena thanked Mayor Evangelista for the successful hosting of the SRAA as well as making sure that all delegates are well taken cared during the week long athletic meet.

Mayor Ogena was joined by Koronadal City Councilor Bernardo Hinay, Community Affairs Officer Rey Abela, Executive Assistant I Tecs Usero and other staff coming from the Office of the Mayor of Koronadal.

Joining Mayor Evangelista in welcoming the local officials of Koronadal is Kidapawan City Administrator Janice V. Garcia.

After the short dialogue, Mayor Evangelista gave Mayor Ogena fresh herbs and vegetables harvested from the hydroponics garden just outside the formerโ€™s office.

Later the two officials joined in the photo ops with the winning athletes in the medal awarding ceremonies of the SRAA Meet held at the City Plaza. ##(CMO)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio