Month: September 2023

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (September 19, 2023)
PUPUNAN ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang budget para sa mga Persons With Disability (PWD) dito sa lungsod. Tiniyak nya ito sa pagtitipon ng mga opisyal ng PWD City Federation, kamakailan lang.

Sa kasalukuyan kasi, tinatayang aabot hanggang P19M ang 1% ng CY 2023 Annual Budget na maaaring magamit para sa mga kaakibat na programa ng PWD.

Bibigyan ng City Government ng mga skills at technical training, livelihood, medical at social welfare assistance ang 3,232 na mga PWD sa lungsod, para na rin mas mapaunlad pa ang kanilang kakayahan, magkaroon ng kompyansa sa sarili at marangyang kabuhayan.

Pinag-aaralan din ngayon ng Sangguniang Panlungsod, ang pagpapasa ng isang ordinansa na tutugon sa mga pangangailangan ng mga PWD, kabilang na ang sasakyang magagamit para sa mga aktibidad ng PWD Affairs.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Rey Herrera, ang presidente ng City Federation of PWD.

Direktang ipinatutupad ng mga tanggapan ng City Social Welfare and Development, PWD Affairs, Office of the City Mayor, PWD City Federation at mga partner agencies ang mga programa patungkol sa pagpapaunlad ng mga PWD sa lungsod. ##(CIO/lkro)

thumb image

September 16, 2023 — The RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), a Non-Government Organization, has recently announced the result of their nationwide evaluation called, the “Top Performing City Mayors and District Representatives in the Philippines”, for the second quarter of the year.

Based on the foundation’s poll, that was done on June 25 to July 5, 2023, Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista got the 5th rank with 85.75% as proficient City Mayors in the country who have showcased outstanding leadership. Mayor Pao is the only City Mayor in Region XII, who was recognized as such.

The foundation surveyed 10,000 randomly selected registered voters across diverse districts, achieving a ยฑ1% margin of error at a 95% confidence level, reflecting official voting demographic profiles and ensuring data accuracy.

Congratulations Mayor Atty Pao Evangelista!

thumb image

KIDAPAWAN CITY (September 15, 2023) โ€“
MGA SERBISYO katulad ng birth registration, medical, dental at social services, mga serbisyong legal, pagpaparehistro at enrollment sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture, ilan lang ito sa dinala ng Lokal na Pamahalaan sa mga residente ng Barangay Sudapin nitong Biyernes, September 8, 2024.

Kabilang sa serbisyong handog ng LGU ang kasalan, kung saan mismong si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nangulo, para sa mga magsing-irog na matagal nang nagsasama.

Umabot sa 1,400 na mga residente ang nakabenepisyo sa outreach program na ito ng LGU na tinawag na, Kabarangayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo (KDAPS), na karaniwang isinasabay sa selebrasyon ng Founding Anniversary ng mga barangay.

Ang Sudapin ay isa sa malalaking barangay ng lungsod, na may 11,563 na populasyon (na nagrerepresenta sa 7.19% na kabuuang populasyon ng lungsod), base narin sa datus ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong taong 2020. ##(CIO/ra)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (September 13, 2023) TUMANGGAP ng libreng Physical Therapy (PT) Session ang dalawampung (20) Persons with Disability (PWD), kasabay ng pagdiriwang ng World PT Day sa Dizon Clinic, sa JP Laurel Street, Barangay Poblacion, nitong nakaraang Sabado, September 2.

Kabilang sa mga tumanggap ng libreng serbisyo, mula sa PWD Affairs Office, City Social Welfare and Development Office  (CSWDO), mga doktor at Physical Therapists, ang mga batang PWD mula sa Special Education Program o SPED ng Kidapawan City Pilot Elementary School.

โ€œ Ang libreng PT session ay tulong natin sa mga kapatid nating PWDโ€™s. Dahil may kamahalan ang pagpapa-therapy, nakipag coordinate tayo sa sektor ng mga physical therapists at malugod naman nilang tinanggap ang ating imbitasyonโ€™, wika pa ni Persons with Disability Affairs Officer Louie Quebec.

Nagpasalamat ang mga nakabenepisyong PWD sa programang ito ng City Government.

Maliban sa libreng PT session, tinuruan din ang ilang mga benepisyaryo ni Dr. Jan Nathleen Dizon, isang Physical Medicine and Rehabilitation specialist , lalo na yung mga may edad na, ng mga paraan upang maiwasan ang sakit na arthritis at mga paraan upang mapanatiling malusog at malakas ang kanilang pangangatawan.##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (September 13, 2023) โ€œSA OCTOBER 19 -28, 2023 PA ang panahon ng pangangampanya. โ€œ
Ito ang paalala ni City Election Officer Atty. Noor Hafizullah Abdullah, sa lahat ng mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong October 30, sa isinagawang Candidates Briefing nitong Lunes, September 11, sa City Gymnasium.

Ang premature campaigning o maagang pangangampanya ay sisitahin ng Comelec. Kabilang dito ang paglalagay ng tarpaulin sa mga pribado man o pampublikong lugar, at maging sa social media.

Bawal ding tumanggap ng kontribusyon mula sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan dahil obligado ang lahat ng mga kandidato na ilagay ito sa kanilang mga Statement of Contributions and Expenditures o SOCE na isusumite sa Comelec hanggang sa November 29, 2023.

Bagamat hindi naman maituturing na election hotspot ang lungsod, nagpaalala parin ang Comelec na bawal ang negative campaigning laban sa ibang kandidato. Ipinatutupad parin ang gun ban, at may ipa-iiral na liquor ban sa October 29 hanggang 30.

Hinihikayat din ng Comelec ang publiko na ireport sa kanilang tanggapan ang mga maoobserbahang paglabag ng mga kandidato upang masita nila. ##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (September 11, 2023) NAGPAPASALAMAT si Relian Jean Sampilo dahil nakauwi na sya sa kanyang pamilya sa Purok 5, Barangay San Isidro, dito sa lungsod, sa tulong na rin ng Lokal na Pamahalaan dito.

Nakauwi ang 26 taong gulang na si Sampilo, isang household worker sa bansang Jordan, matapos lumapag ang kanyang sinasakyang eroplano sa Manila International Airport nito lang September 8, 2023.

Nitong nakaraang buwan ng Agosto, humingi ng tulong ang mga kaanak ni Sampilo kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista para maiuwi siya ng bansa, matapos ang kanyang aksidenteng pagkahulog mula sa ikatlong palapag ng gusali habang naglilinis sya ng bintana.

Naoperahan sa pagkakabali ng kanyang mga binti si Sampilo kung kaya at naratay ito sa isang ospital sa Jordan ng ilang linggo.

Inatasan ng alkalde si Rose Astudillo, ang City Public OFW Desk Officer (CPODO), na agad makipag-ugnayan sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa national at regional offices nito para maiproseso ang pagpapauwi sa bansa ni Sampilo.

Sinagot naman ng kanyang employer ang pagpapa-opera sa OFW.
At dahil nga sa kanyang maselang kalagayan, ipinasundo sya ng alkalde sa ambulansya ng LGU, kasama ni CPODO Astudillo at mga opisyal ng OFW Federation Incorporated, nitong September 9 sa Davao International Airport at hinatid sa kanyang tirahan sa Barangay San Isidro ng lungsod.

Tutulungan din ng City Government na maproseso ang tulong kabuhayan sa pamilya ng OFW, sa pamamagitan ng Balik Pinas Balik Hanapbuhay Livelihood Assistance, habang nilalakad na rin ang medical assistance mula naman sa City Health Office para sa tuluy-tuloy na kanyang pagpapagaling.

Limang buwan pa lang na nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Worker (OFW) si Sampilo sa bansang Jordan.##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (September 6, 2023) NAGTIPON sa City Convention Center para sa Capability Enhancement Seminar ang 30 na mga miyembro ng Peopleโ€™s Law Enforcement Board o PLEB, mula sa mga Local Government Units ng 2nd Legislative District sa lalawigan ng Cotabato, nitong Lunes, September 4, 2023.

Itinuro sa kanila ng taga National Police Commission (NAPOLCOM) Region XII, sa pangunguna ni Director Rodel Calo, sa seminar ang mga tamang pamamaraan sa pagtugon ng mas mahusay sa mga reklamong isinasampa ng publiko laban sa mga abusadong kasapi ng Philippine National Police (PNP), mga tamang batayan para sa pagsasampa ng reklamo at ang patas na proseso para sa pagdinig at pagtugon dito.

Ang PLEB, na karaniwang binubuo ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod/Bayan, o kayaโ€™y Punong Barangay, ay isang check and balance mechanism, na binuo sa pamamagitan ng batas na Republic Act No. 8551 o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998, upang tugunan ang mga reklamo ng mga mamamayan laban sa mga abusadong miyembro ng PNP.

Ipinaalalahanan naman ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, ang mga miyembro ng PLEB, na mas maging responsable sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Dumalo rin sa seminar si Cotabato 2nd District Board Member Joseph Evangelista, laloโ€™t sakop nya ang mga PLEB members mula sa mga bayan ng Makilala, Magpet, President Roxas, Antipas, Arakan, at Kidapawan City.##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (September 4, 2023) PASADO SA Compliance Audit ng Commission on Audit (COA) ang City Government hinggil sa tamang paggamit nito ng 20% Economic Development Fund (EDF) para sa taong 2022.

Ibig sabihin kasi nito, tama at tugma sa itinatakda ng batas ang paggamit sa pondo ng City Government, base narin sa pagsusuring ginawa ng COA Regional Office XII.

Ikinagalak ito ni Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista dahil patunay aniya ito na tapat at mahusay ang paggamit ng public funds sa ilalim ng kanyang pumumuno.

Mula sa kabuuang 2022 Annual Internal Revenue Allotment o IRA na P1,257,782,466.00, akma ang naging paggastos ng City Government ng 20% na EDF galing sa IRA na nagkakahalaga ng P251,556,494.00, kung saan inilaan ito sa pagpapatupad ng mga pangunahing proyekto at programa para sa kaunlaran ng ibaโ€™t-ibang sektor sa lungsod at pagbibigay ng mahusay na serbisyo-publiko para sa mga mamamayan.

Naging masunurin din ang City Government, sa hindi paggamit ng 20% para sa pasweldo ng mga empleyado, travel expenses at seminars, pagbili ng mga bagong sasakyan at kagamitan.

Basehan ng ginawang compliance audit ng COA ang Department of Budget and Management, Department of the Interior and Local Government at Department of Finance Joint Memorandum Circular No 1 dated November 4, 2020 o mas kilala bilang โ€œRevised Guidelines on the Appropriation and Utilization of the Twenty Percent (20%) of the Annual Revenue Allotment for Development Projects.โ€

Sinertipikahan at nilagdaan ni COA XII Acting Assistant Regional Director Atty. Abdul Gaffar R. Ali ang compliance audit na ginawa nito sa City Government. ##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (September 1, 2023) WELCOME DEVELOPMENT para sa City Government ang kahilingan ng Simbahang Katolika na magkipagtulungan sa usapin ng Climate Change.

Nagpadala ng liham ang Diocese nitong August 18, 2023 kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista upang gawing kabalikat nito sa kanilang programang Integral Ecology Ministry, kung saan kabilang sa mapag-uusapan ang mga maaaring solusyon sa climate change.

Ayon pa kay Bishop Colin Bagaforo, DD., layon ng Diocese na isama, ang pangangalaga sa kalikasan, sa kanilang ginagawang pagpapalaganap sa mga turo ng simbahan.

Umaasa din ang Diocese na mabibigyan sila ng seedlings ng ibaโ€™t-ibang uri ng puno, para maitanim ng mga miyembro nito, sa mga lugar na sakop ng mga GKK o Gagmayโ€™ng Kristohanong Katilingban at mga barangay.

Isinusulong din nila ang mga backyard gardens tulad ng pagtatanim ng ibaโ€™t-ibang klase ng gulay at fruit trees sa mga komunidad.

Positibo ang City Government na maisasakatuparan ang partnership lalo na at alinsunod ito sa flagship program ni Mayor Evangelista, na Canopy25, kung saan target nito na makapagtanim ng 2.5 Million na bilang ng puno sa lungsod, bilang proteksyon sa kalikasan at para narin sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (August 31, 2023) Tumanggap ng parangal mula sa Bureau of Fire Protection Region (BFP) XII si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista bilang pagkilala sa kanyang ipinaabot na suporta at kontribusyon sa paghahatid ng basic fire services at pagsasakatuparan ng mga programa at mandato ng ahensya.

Kabilang sa mga ito ang pagpapatayo ng Client Service Area sa loob ng LGU compound na nagkakahalaga ng P126,416; isang unit ng firetruck na nagkakahalaga ng P2.8M; dalawang bagong unit ng motorsiklo (Honda Click 125cc), na nagkakahalaga ng Php. 236,000; emergency accessories para sa pagsasagawa ng Fire Safety Inspection, Fire and Arson Investigation at at koordinasyon ng ahensya sa mga barangay officials, na nagkakahalaga ng Php. 36,000; PPEs at Apparel; at Fire Sub-Station sa Brgy. Paco, na naitayo sa pakikipagtulungan ng AV Lumbayan Trading sa halagang P532, 241 na pundo.

Tinanggap ng alkalde ang parangal nitong August 16, 2023 kasabay ng selebrasyon ng 2nd BFP Anniversary, na ginanap sa Acacia Hall, Cinco Niรฑas, sa Koronadal City, South Cotabato.
(By: Vonkluck Herrera, City Information Office)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio