Author: Ian Famulagan

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 4, 2022) – NGAYON pa lamang ay natitiyak na ang paglago ng fish farming industry sa lungsod partikular na ang tilapia raising.

Ito ay matapos ang ginawang pamamahagi ng abot sa 110,000 sexually reversed red tilapia fingerlings sa 56 recipients o mga fish farmers na nagpapalago ng mga fishpond sa iba’t-ibang barangay.

Ginanap ang distribution sa Mega Tent, City Pavilion sa pangunguna ni City Agriculturist Marissa Aton at mga personnel ng kanyang tanggapan.

Nakapaloob sa Cost Recovery Program ang naturang distribution kung saan kalahati lamang ng halaga ng proyekto ang kanilang babayaran at ang City Government of Kidapawan na mismo ang bibili ng kanilang harvest sa pamamagitan ng City Agricultural Market and Trading Center.

Sa ganitong paraan ay matitiyak ang benta at kita ng mga fish farmers at malaki ang oportunidad na mas lumago pa ang kanilang mga negosyo, tulad na lamang ng mga local rice, fruit and vegetable farmers na nakikinabang din sa kahalintulad na programa, ayon kay Aton.

Nagmula naman sa mga sumusunod na barangay ang mga fish farmers – Balabag, Perez, Binoligan, Indangan, Singao, Kalaisan, Indangan, San Isidro, Ilomavis, Balindog, San Roque, Mua-an, at Ginatilan.

Nakapaloob sa Executive Order No. 053 series of 2022 – “An Order establishing the Kidapawan City Agricultural Market and Trading Center and Creating its Technical Working Group for the Development of Policies and Guidelines Governing its Operations” ang pagbibigay ng kaukulang ayuda sa mga local rice, veghetable, fruit and fish farmers.

Kaugnay nito, hinikayat ni City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang mga fish farmers na lalo pang pagbutihin ang kanilang livelihood project dahil makatutulong ito sa pag-angat ng antas ng pamumuhay at sa pag-unlad ng buong komunidad. (CIO-jscj//if/aa)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Nov. 3, 2022) – BILANG bahagi ng benepisyo ng mga Senior Citizens ay maayos na natanggap ng mga pensioners mula sa Lungsod ng Kidapawan ang kanilang Social Pension para sa ikatlong quarter ng 2022.

Abot sa 8,804 Social Pensioners ang masayang nakatanggap ng naturang benepisyo at nagmula sila sa 40 barangay sa Kidapawan City, ayon kay Daisy G. Perez, City Social Welfare and Development Officer.

Katumbas ito ng 95.55% ng target pensioners mula sa kabuuang bilang na 9,214 kung saan mayroong 410 o katumbas ng 4.45% ang hindi nakatanggap dahil sa iba’t-ibang kadahilanan tulad ng namatay o namayapang pensioner, double entry, on vacation, transfer of residence at iba pa.

Bawat pensioner ay tumanggap ng P1,500 o P500 bawat buwan sa loob ng 3rd quarter (July-Sep), 2022.

Mula October24-28, 2022 isinagawa ng CSWD ang payout sa mga Barangay Halls at iba pang pasilidad kung saan naging matagumpay ang pamamahagi ng pension sa mga senior citizens sa pamamagitan ng CSWDO personnel at sa tulong ng Office of the Senior Citizen Affairs o OSCA, Kidapawan City Police Station o KCPS, AFP, at mga opisyal ng bawat barangay, ayon pa kay Perez.

Samantala, magtatakda pa ng petsa o schedule ang CSWD para sa mga pensioner na hindi pa nakukuha ang benepisyo at posibleng ito ay gawin sa huling linggo ng Nobyembre o unang linggo ng Disyembre 2022.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Perez ang mga social pensioners/senior citizens sa kanilang suporta at kooperasyon na nagresulta sa mahusay na payout o pamamahagi ng monthly pension ganundin ang bawat sektor na naging bahagi ng programa ng DSWD. (CIO-jscj//if/photos CSWDO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 3, 2022) TULUYAN at mahigpit ng ipagbabawal ang ano mang uri ng pangongolekta o ‘unauthorized contribution’ mula sa mga magulang at mag-aaral sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Kidapawan.Ito ang nakasaad sa Executive Order No. 060 na nilagdaan ni City Mayor Jose Paolo M. Evangelista nitong Miyerkules, Nov. 2, 2022 kung saan ay bawal na humingi o mangolekta ng mga unauthorized contribution maging pera o in-kind ang school management mula sa mga guro, magulang at estudyante at obligadong sumunod ang lahat dito. Malinaw sa EO No. 060 na bawal humingi ng pera o ano mang bagay ang sino man kung wala itong direktang kaugnayan sa academic development o sa ikabubuti ng pag-aaral ng mga bata sa mga eskwelahan.Mapaparusahan ang sino mang mapapatunayang hindi sumunod sa EO No. 060 batay sa Executive Order number 292 o ang Administrative Code of the Philippines, Revised Rules of Procedure of the Department of Education in Administrative Cases at Article 213 ng Revised Penal Code. Maaring magsumite ng written complaint sa pamamagitan ng liham o di kaya ay online gamit ang internet sa tanggapan ni Mayor Evangelista o di kaya ay sa City Legal Office upang maaksyunan ang ano mang reklamo. Magsasagawa ng kaukulang imbestigasyon ang City Government of Kidapawan sa matatanggap na reklamo patungkol sa sapilitang paniningil ng kontribusyon. Ganito rin ang aksyon na gagawin kung anonymous o hindi nagbigay ng pangalan ang nagpadala ng reklamo, dagdag pa ng alkalde. Tiniyak naman ni Mayor Evangelista na dadaan sa tama, makatarungan at patas ang proseso ng imbestigasyon at aksyon na gagawin hinggil sa mga reklamo ng mandatory solicitations. Samantala, exempted sa naturang EO ang mga school contributions na pinapayagan ng Order o Memorandum ng Commission on Higher Education at Department of Education.Ipinag-uutos din ng EO #060 sa mga school heads, officials and teachers na dapat magbigay ng official receipt bilang ebidensya sa pagbabayad ng school contribution na pinapayagan ng CHED o he DepEd. ##(CMO-CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 2, 2022) – LABING-TATLONG mga kabataang namamalimos o street children ang nakabiyaya mula sa programang Educational Cash Assistance o ECA ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO.

Tinanggap ng nabanggit na mga street children ang ayuda sa distribution na ginanap sa Office of the City Mayor, alas-nuwebe ng umaga sa pangunguna ni Mayor Jose Paolo M. Evangelista kasama si City Social Welfare and Development Officer Daisy G. Perez, RSW.

Sa ginawang profiling ng CSWDO, napag-alaman na karamihan sa mga natukoy na street children ay mga mag-aaral mula sa Barangay Sudapin ng lungsod at namamalimos umano upang may pambaon at pambili ng gamit sa paaralan.

Kaya naman matapos ang kaukulang assessment and verification ay agad ding ipinatupad ang pagbibigay ng ayuda sa mga bata.

Labing-isa sa mga bata ay nakatanggap ng P5,000 habang dalawa ay tumanggap ng tig P2,000. Kasama nila sa pagtanggap ng tulong ang kanilang mga nanay.

Nakapaloob ito sa Comprehensive Program for Street Children o CPSC ng City Government of Kidapawan kung saan nakasaad ang mga intervention na ipatutupad para sa mga street children o mga batang namamalimos, sinabi ni Perez.

Layon ng CPSC na tulungan ang mga street children sa pamamagitan ng pagpapatupad ng angkop na hakbang upang hindi na sila magtungo pa sa mga lansangan at iba pang pampublikong lugar upang humingi ng limos.

Nais din ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng CSWDO na tiyaking nasa loob ng paaralan ang mga batang lansangan at matiyak ang kanilang kaligtasan .

Maliban rito, layon din ng programa na matulungan pati na ang mga magulang ng mga street children na makahanap ng livelihood o mapagkakakitaan para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Nakabatay din sa Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law ang programang ito kung saan ipinauunawa sa publiko na hindi tama at hindi nakakatulong ang pagbibigay ng limos sa mga street children bagkus ay nakadadagdag pa sa problema dahil nawawalan sila ng interes na magsikap at itutuon na lamang ang panahon sa panlilimos.

Samantala, sa pamamagitan ng CSWDO ay naitatag ang organisasyon ng mga magulang ng mga street children sa Barangay Sudapin, Kidapawan City upang mabigyan sila ng kaukulang tulong sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program o SLP at mga capacity building.

Susundan naman ito ng pagsasagawa ng family case work at school and house visitations na isasagawa ng CSWDO upang magtuluy-tuloy na ang pagbabago at pag-angat ng antas ng pamumuhay ng mga street children at kanilang mga magulang. (CIO-jscj//aa/if)

thumb image

Kidapawan City Tourism Stakeholders conducted its annual general assembly today October 27, 2022. A gathering of all Primary and Secondary Tourism Establishments in Kidapawan City participated by 130 businessmen, discussed tourism industry matters, updated Members with the Appointment of Sectoral Officers, and Directions of the Local Government.

The Chairperson, Ms. Blanca Isla-Villarico of TravelScope Travel and Tours, welcomed the participants saying that 2022 marks a year of HOPE for the Tourism Business Sector after it had endured all the effects of the COVID-19 Pandemic on the stakeholders.

“I believe we are all in a symbiotic environment. A day tourist or a long staying tourist will share his or her day’s spending with one, two, or more tourism-related establishments in the city.  And now we all need to build a more vital bridge to make specific programs to our existing Kidapawan City Tourism led programs“, Ms. Villarico said.

City Mayor, Atty. Jose Paolo M. Evangelista was represented by Ms. Janice V. Garcia, the Acting City Administrator, and she emphasized that one of the Major Thrust in his Executive Legislative Agenda is the development of Agricultural Tourism as an economic driving force of the city hence the City Government will continue to support and create programs projects for the growth of the sector.

The Supervising Tourism Operations Officer presented the Directions of the City Government particularly in the tourism Sector. Tourism Branding, Drafting the Implementing Rules and Regulations of the Tourism Code highlighting Free Training to service providers, Submission of Tourist Arrival reports and 100 DOT Accredited Primary Tourism Establishments by 2024. Also, she shared on the website development, Festival of Lights, and Charter Day Preparations wherein each sector were given a chance to  recommend events they wish to be hosted by the City Government.

Primary Establishments:

ACCOMMODATION : MR. CJR L. SOLER (DREAMER’S WISH LODGE)

TRAVEL AGENCY : MS. JEANNIE R. CABRERA (CHARLESONS TRAVEL & TOURS)

GUIDES & PORTERS : MR. EDGAR AQUIATAN (KidCiGA)

TRANSPORT GROUP: MR. WARLITO SALUGSUGAN (PRT COOP)

EVENT ORGANIZERS : MS. RITCHIE JOY GAPASIN (CHINAGAP EVENTS AND CONCEPTS)

Secondary Establishments:

FOOD AND BEVERAGE : MS. LAURA CAMILLE SISON (BISTRO LA’ CAMILLE

RESORT  : MR. JONATHAN GABO (CARMS VILLA)

HEALTH & WELLNESS : MS. GEMMA A. OPAY (OLMAG HEALTH & WELLNESS CENTER)

SHOPPING CENTER : MR. RONNEL BAUTISTA (GAISANO GRAND MALL)

(City Tourism Promotion Office-gl//cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 27, 2022) – MATAPOS matanggap ang sulat mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO patungkol sa hazard o panganib na dulot nga mga electric poles na nakatayo sa bahagi ng national highway ng Barangay Poblacion ay agad ding tumugon dito ang Cotabato Electric Cooperative, Inc. o COTELCO.

Ayon kay COTELCO OIC General Manager Cresmasita L. Golosino, nagagalak silang ipaalam ang planong ilipat ang abot sa 24 electric poles o poste ng kuryente mula sa highway patungo sa tabi o road shoulder.

Sinabi ni Golosino na sa pamamagitan ng General Services Section at Safety Office ng COTELCO ay isinagawa nila ang Pole and Onsite Inspection nitong October 24, 2022 upang matiyak ang eksaktong kinatatayuan ng naturang mga poste at magkaroon ng agarang rekomendasyon na mailipat ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Kaugnay nito, ipinabatid na rin daw ng COTELCO sa Dept of Public Works and Highways o DPWH 1st Engineering District na nakabase sa lungsod ang paglilipat ng nabanggit na mga electric poles dahil nasa ilalim ng departamento ang road widening project kung saan matatagpuan ang mga nabanggit na poste ng kuryente.

Subalit habang hinihintay pa ang pondo mula sa DPWH na gagamitin upang mailipat ang mga nakaharang na poste ng kuryente ay tutugunan ng COTELCO ang rekomendasyo ng CDRRMO na maglagay muna ng mga early warning signages sa harap ng mga ito. 

Sa pamamagitan nito ay makakaiwas sa aksidente at matitiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

Una ng binanggit ni CDRRM Officer Psalmer Bernalte sa kanyang sulat sa COTELCO na lubhang delikado ang mga nakatayong poste ng kuryente sa sementadong kalsada o highway dahil maaaring madisgrasya dito ang mga motorista at maging sanhi ng matinding pinsala o kamatayan.

Maliban rito, ay maraming mga mamamayan na rin daw ang humiling na matugunan o mabigyan ng aksyon ang concern na ito, ayon pa kay Bernalte, kaya naman agad ding nilagyan ng warning signs Ng City Government ang ilang mga electric poles.

Samantala, nilinaw ni Golosino na hindi lahat ng poste na sumailalim sa Pole and Onsite Inspection ay pag-aari ng COTELCO. Katunayan, abot sa pito (7) na mga poste ay pag-aari ng mga internet providers kaya’t kailangang ipaalam din ito sa mga kinauukulan upang mailipat din sa takdang oras.

Kapwa namang nanawagan ang CDRRMO at COTELCO sa mamamayan lalo na sa driving public na manatiling maingat at maging alerto sa pagmamaneho sa lahat ng oras upang makaiwas sa aksidente sa daan. (CIO-jscj//if//nl)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 27, 2022) – NASUNGKIT muli ng City Government of Kidapawan sa limang magkakasunod na taon ang Seal of Good Local Governance o SGLG mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG.

Ang naturang seal ay nangangahulugan din ng Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng mga Pamahalaang Lokal at isang prestihiyoso o pinakamataas na Gawad na ibinibigay sa mga natatanging Local Government Units na  nagpakita ng mahusay na performance sa larangan ng serbisyo publiko alinsunod sa mga isinasaad ng Local Government Code at iba pang mga pertinenteng batas. 

“Congratulations sa lahat ng Kidapawenyo. Ang SGLG Award ay para sa inyo” masayang sinabi ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kaugnay sa pinakahuling tagumpay na nakamit ng lungsod.

Hindi naging hadlang ang krisis na idinulot ng COVID19 para mapaglingkuran ng maayos at maipatupad ng City Government ang mga programa at proyekto nito, dagdag pa ng alkalde.

Kaugnay nito, muling nakakuha ng mataas na marka ang City Government of Kidapawan sa mga Core Areas ng SGLG at ito ay ang mga sumusunod: Good Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity, Safety, Peace and Order, Business-Friendliness and Competitiveness, Environmental Management at Tourism, Culture, and the Arts.

Pinasalamatan ni Mayor  Evangelista si dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph A. Evangelista sa mahusay na pamumuno nito na nagbigay daan upang muling matanggap ng City Government ang SGLG.

Bagama’t Hall of Famer na sa SGLG Award simula ng manalo noong taong 2017 ay mas hinigitan pa ng City Government ang performance nito sa nabanggit na mga core areas ng Gawad.

Tiniyak ni Mayor Evangelista sa mamamayan ng lungsod na magpapatuloy ang maayos na pamumuno at mahusay na pagbibigay serbisyo publiko para sa lahat.

At bilang SGLG Awardee,  makatatanggap din ng insentibo ang City Government mula sa National Government sa pamamagitan ng Performance Challenge Fund para magamit Naman sa makapagpatupad ng proyekto para sa ika-uunlad ng lungsod.

Ang Kidapawan City at ang Bayan ng Magpet ang tanging mga LGU’s sa lalawigan ng Cotabato na ginawaran mga National Passers ng 2022 SGLG, ayon pa sa DILG.##(CMO-CIO)

#luntiankidapawan

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 25, 2022) – NAGING sentro ng Culmination Day ng pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba ngayong Oktubre 2022 ang pagpapalakas sng kanilang hanay partikular na sa pagpapaunlad ng samahan bilang mahalagang bahagi ng pamayanan.

Ngayong araw ng Martes, October 25, 2022 ay ginanap ang Culmination Day Program sa City Cooperative Development Center (CCDC), Barangay Magsaysay, Kidapawan City.

Nanguna sa aktibidad sina City Cooperative Development Council (CCDC) Chairperson Rodolfo A. Baldevieso at City Cooperative Development Officer Dometilio B. Bernabe katuwang si Susana L. Llerin, Chairperson ng KCNHSTER Multi-Purpose Cooperative at Presidente ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA). 

Kaugnay nito, alas-diyes ng umaga ay isang lecture ang ibinigay ng Dept of Science and Technology sa pamamagitan ni DOST Cotabato Provincial Director Michael T. Mayo at ng Bureau of Internal Revenue sa pamamagitan ni Revenue Officer II/Examiner Jojelyn T. Paco.

Mga proyekto at programa para sa kooperatiba at kung paano ito mapapakinabangan, tulad ng venture financing ang naging presentasyon ni Mayo habang patungkol naman sa mga kaukulang Memo Circulars para sa Certificate of Tax Exemptions ang ibinahagi ni Paco.

Sinundan ito ng isang Open Forum kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro o cooperators ng iba’t-ibang cooperatives na magtanong at maibahagi na rin ang kasalukuyang estado ng kani-kanilang samahan.

Pagsapit ng alas-dos ng hapon ay nagbigay ng kanyang mensahe si Cooperative Development Authority CDA 12 Regional Director Elma R. Oguis kung saan sinabi nitong malayo na ang narating ng mga kooperatiba sa Lungsod ng Kidapawan.

Sumunod ay ang awarding para sa Search for the Most Outstanding Cooperative at ito ay mga sumusunod: Most Outstanding Cooperative (Micro) – Kidapawan Pangkabuhayan Marketing Cooperative, Most Oustanding Cooperative (Small) – Sumbac Multi-Purpose Cooperative, at Most Outstanding Cooperative (Medium) – Kisandal Multi-Purpose Cooperative.

Binigyang parangal din bilang Hall of Famer ang mga sumusunod na kooperatiba: Gerenco, KCNHSTER, at KCDOTREMCO habang ginawaran ng special recognition ang Sta. Catalina Coop (Branch Category- 2019-2021) at Mary Mediatrix Coop (Sole Large Coop).

Sina City Councilors Rosheil Gantuangco-Zoreta at Airene Claire Pagal ang nag-abot ng mga certification kasama sina CCDC Chair Balbevieso at CCDO Bernabe. Nagbigay din sila ng inspirational message at word of challenge sa mga cooperators.

Ipinarating naman ni Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang kanyang pasasalamat sa mga kooperatiba sa patuloy nilang pakikiisa sa mga hakbang ng local government para mapahusay pa ang performance ng mga cooperatives sa lungsod.

Matatandaang buwan pa lamang ng July ay nagsagawa na ng tree planting activity ang CCDC, sinundan ito ng hanging of tarpaulin (Oct, 1, 2022), evaluation ng mga kooperatiba para sa Search for Outstanding Cooperative (Oct. 4-6, 2022), bloodletting activity (Oct. 21, 2022) at ang Culmination Day (Oct. 25, 2022). Tema ng pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong Oktubre 2022 ay KOOPinas: Nagkakaisang lakas para sa Makabuluhan at Sama-Samang Pag-unlad”.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 24, 2022) MAGPAPATULOY ang serbisyo publiko ng City Government of Kidapawan kahit pa man sa pagdiriwang ng Undas. Tiniyak ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nabanggit kung saan gagawin ang pagbibigay serbisyo sa mismong mga sementeryo ng lungsod. Magbibigay ng libreng COVID-19 booster shots ang City Government sa pamamagitan Ng City Health Office sa mga hindi na nakakumpleto ng bakuna habang isasa-pinal na rin ng alkalde ngayong linggong ito ang iba pang serbisyong tampok na ibibigay sa mga mamamayan na tutungo sa mga sementeryo. Nakapaloob ito sa “Oplan Kaluluwa” na naglalayong maging mapayapa at makahulugan ang pagdiriwang sa mga sementeryo. Bago pa man ang pagdiriwang ng Undas ay sabay-sabay na maglilinis ang mga opisyal at kawani ng City Government sa Catholic Cemetery at Binoligan Public Cemetery sa October 26, 2022 alas siyete ng umaga. Sa pamamagitan ng isang memorandum na inilabas ng opisina ni Mayor Evangelista, makakatulong ang ‘Oplan Limpyo Sementeryo’ na ihanda ang naturang mga himlayan sa pagdiriwang at ng hindi na rin maaabala pang maglilinis ang mga tutungo sa nabanggit na mga himlayan na bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Patuloy naman ang panawagan ni Mayor Evangelista sa lahat na mag-ingat sa panahon ng Undas at kabilang ang mga sumusunod na mga paala-ala: Tiyakin na may maiiwang tao na magbabantay sa bahay habang ang buong pamilya ay nasa sementeryo, iwasan na magkasunog sa bahay sa pamamagitan ng pagbunot sa mga nakasaksak na home appliances at de-kuryenteng kagamitan, tiyakin na patay ang apoy sa mga kandila sa altar, lutoan at siguraduhing nakasara ang regulator ng Liquefied Petroleum Gas o LPG na ginagamit sa pagluluto, umiwas sa pagdala ng mga armas, pagsusugal at pagpapatugtog ng malalakas na sound system habang nasa sementeryo at kung maaari ay huwag sabayang pupunta sa sementeryo upang may matitirang magbantay sa bahay. May sapat ding traffic rerouting, security at emergency response plan na ipatutupad ang City Government sa mga himlayan ng lungsod partikular sa Cotabato Memorial Park, Catholic Cemetery, Kidapawan Memorial Park at Binoligan Public Cemetery.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 21, 2022) – BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong buwan ng Oktubre 2022 ay nakiisa ang abot sa 21 na mga kooperatiba sa Kidapawan City sa bloodletting activity na ginanap sa City Cooperative Development Center, Barangay Magsaysay, Kidapawan City ngayong araw ng Biyernes, October 21, 2022. Layon ng aktibidad na makalikom ng dugo at maibahagi ito sa mga nangangailangan partikular na ang mga pasyente o mga nasa emergency situations, ayon kay City Cooperative and Development Officer Dometilio Bernabe. Maaga pa ay pumila na para sa bloodletting ang mga opisyal at miyembro ng mga sumusunod na kooperatiba: Mua-an Credit Cooperative, RIC Producers Cooperative, LKERCCO, Kidapawan Transport Cooperative, DPWH Cotabato Retired Employees MPC, Kidapawan Pangkabuhayan Marketing, Corp., Sumbac MPC, Kisandal Multi-Purpose Cooperative, Kidapawan City Women Market Vendors Credit Cooperative, at Springside Medical Service Co-op.Nakiisa din ang personnel mula sa Mt Apo 10 KR MPC, Stanfilco Kidapawan Consumers Cooperative, King Cooperative, DAR Cot MPC, MAHALS MPC, SAMULCO, Hard Target MPC, CBC, Mediatrix MPC, Rainbow Family MPC, KCDOTREMCO. Kaugnay nito, ipinaabot ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang pasasalamat sa mga lumahok sa bloodletting kasabay ang pahayag na suportado niya ang mga programa na magpapa-angat sa estado ng mga kooperatiba sa lungsod.Samantala, sa darating na October 25, 2022 ay gagawin ang isang Cooperative Forum sa CCDC na dadaluhan pa rin ng iba’t-ibang kooperatiba sa lungsod. Layon nito na mapalakas pa ang hanay ng mga kooperatiba at lalong maging matibay ang kanilang ugnayan tungo sa pagkamit ng kanilang mga layunin. Tema ng pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong taon ay “KOOPINAS: Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama-Samang Pag-unlad”.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio