Author: Ian Famulagan

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 21, 2022) – MULI na namang dumagsa ang mga aplikante para sa local at overseas job opportunities sa pinakabagong Job Fair ng Public Employment Service Office o PESO ng Kidapawan City na ginanap sa City Gymnasium nitong October 19, 2022.Abot sa 150 local applicants at 77 overseas applicants ang naitala ng PESO Kidapawan sa one-day Job Fair, o kabuoang bilang na 227 applicants, ayon kay PESO Manager Herminia Infanta.Kabalikat ng PESO Kidapawan ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Labor and Employment 12 (DOLE), at Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.Layon nito na tulungan ang mga job seekers mula sa Lungsod ng Kidapawan at mula sa mga kalapit na munisipyo sa 2nd District ng Cotabato na makahanap ng trabaho na angkop sa kanilang mga kurso, husay at interes.Pitong mga partner local companies ang aktibong nakilahok sa Job Fair at kinabibilangan ito ng VXI Global Holdings B.V., Japanese Language School Corp., Gaisano Grand Mall Kidapawan, DC Invest, Toyota Kidapawan, Outbox Solution, at Avitus Dialysis Center. Samantala, ang mga overseas companies naman na tumanggap ng mga aplikante ay kinabibilangan ng Marinduquena, Zontar, LRC Manpower, Earth Smart at Placewell.Matapos naman ang aktibidad ay nakapagtala ang PESO ng 133 qualified local applicants at 77 qualified overseas applicants, o kabuong bilang na 210 qualified and scheduled for final interview na mga aplikante, ayon pa kay Infanta. Nagpahayag naman ng kasiyahan si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa naging resulta ng Job Fair at hinimok ang iba pang mga local at overseas job applicants na samantalahin ang pagkakataon na ibinibigay ng City Government of Kidapawan at mag-apply at makahanap ng mapapasukang trabaho sa loob at sa labas ng bansa.

thumb image

The Local Government Academy of the DILG is now on its final stage of the CAPDEV formulation preliminaries in Kidapawan City. Five sectors have undergone orientation and workshop with all of its respective sub-sector agencies aiming at uplifting its current capacity status to what has been desired. These are the Environment Sector, Infra Sector, Social Sector, Institutional Sector, and Economic Sector.

As part of the new devolution pursuant to the Mandanas-Garcia Ruling, Local Government Units shall take the lead in the full implemention of all local programs, projects and activities of the government. However, it is customary that government interventions focus on performance output-based investments. Most of the time, the capacity of of government workers and officials to carry out expected performance results are overlooked. On the same cause, performance satisfaction ratings of government deliverables are jeopardized, customers are dissatisfied.

CAPDEV assures that key players in the delivery of high quality government services are given due course and attention. Proficiency trainings, promotions, technological advancement, services automation and mechanization, ease of doing business, and many others are among the capacitance that assures public of quality service through quality service providers.

All identified issues and concerns such as lack of trainings, multitasking, slow promotions and plantilla positions opportunities, low productivity and work inefficiency, financial constraints, unequipped workstations, and others shall form part in the CAPDEV formulation and be integrated in the CDP+ crafting in the upcoming years starting this 2023. 

thumb image

Kidapawan City (October 13, 2022) – SA layuning mapalakas pa ang kanilang hanay, dumalo ang mga personnel ng Bureau of Fire Protection o BFP mula sa tatlong distrito ng Lalawigan ng Cotabato sa Annual Fire Safety Assembly 2022.

Tampok sa nabanggit na assembly ang presentation of updates mula sa iba’t-ibang BFP stations sa lalawigan.

Nakapaloob din sa aktibidad ang Fire Safety Lecture mula kay BFP Provincial Chief-Fire Protection Branch SFO2 Cecilia P. Nabor, Fire Incident Report Making mula kay FO1 Krystel G. Hernandez, Fire Protection Branch staff at open forum sa pangunguna  ni Kidapawan City Fire Marshall CINSP Marleap P. Nabor.

Sa pamamagitan nito, ay mas mapapalakas pa ang ugnayan at kaalaman ng mga BFP personnel partikular sa pagganap ng kanilang tungkulin, ayon kay CINSP Marleap P. Nabor.

Nagbigay ng kanyang mensahe para sa mga firefighter mula sa tatlong distrito si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kung saan pinuri niya ang mga ito sa buwis-buhay na pagganap ng trabaho bilang mga firefighters at bilang mga kaakibat sa emergency or disaster response.

Matatandaang una ng lumahok ang mga personnel ng BFP mula sa District 1 (Aleosan, Libungan, Alamada, Midsayap, Pigcawayan, at Pikit) noong October 4, 2022 at mula sa District II (Makilala, Magpet, Pres. Roxas, Antipas, Arakan, at Kidapawan City) noong October 10, 2022 habang ngayong araw na ito ng Huwebes, October 13, 2022 ay lumahok naman ang mga BFP personnel mula sa District III (Tulunan, Matalam, M’lang, Kabacan, Carmen at Banisilan).

Nagtapos naman ang aktibidad sa pamamagitan ng Awarding of Certificates para sa mga partisipante at ito ay pinangunahan ng mga opisyal ng BFP Cotabato. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 13, 2022) – NANGUNA o Top 1 ang Kidapawan City Police Station (KCPS) sa katatapos lamang na validation ng Best Performance and Accomplishment in Anti-Illegal Drugs, Anti-Illegal Gambling and Loose Firearms sa hanay ng kapulisan sa Lalawigan ng Cotabato.

Mga validators mula sa Cotabato Police Provincial Office (CPPO) ang nanguna sa ginawang evaluation ng mga accomplishments ng Lone City and 18 Municipal Police Stations mula January 1, 2022 hanggang October 10, 2022.

Nakapaloob sa naturang evaluation ang mga key performance indicators tulad ng search warrant and operations for illegal drugs, number of arrests, number of arrests, service response time, at iba pa.

Sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Peter Pinalgan, Jr. bilang Chief of Police nakamit ng KCPS ang nabanggit na recognition mula sa CPPO.

Layon ng pagbibigay ng recognition sa mga top performing police stations ay upang kilalanin ang kanilang mga mahuhusay na performance bilang tagapagtanggol ng mamamayan at ang patuloy na pagsisikap upang mapanatili ang katahimikan, ayon kay PLT Harold Ramos, Provincial Director ng CPPO.

Isasagawa naman ang Awarding Ceremony ng Best Performance and Accomplishment sa loob ng kasalukuyang buwan ng Oktubre, 2022, ayon sa CPPO. (CIO-jscj//if)

thumb image

Everyone has left except ECHO since the 2019 Series of Strong Earthquakes in Mindanao of humanitarian interventions until this post-pandemic period. With the rapid response of MOVEUP 4 in Kidapawan on October 2019 due the earthquake disaster, hundreds of displaced families from the landslide high risk areas have availed of emergency cash assistance while the project also went hand in hand with the City DRRM Council in the Camp Coordination and Camp Management. The Community Savings Group was formed to financially capacitate at least 31 affected groups cum financial literacy build up. All of the assisted CSGs have raised their start up capital up to ten folds in two years.

SUPPA II on the other hand has capacitated most of the barangay LGU surrounding the foothill of Mt Apo. Enhancement of their barangay Contingency Plans with Anticipatory Actions mechanism is seen as an unprecedented strategy of a Community-Based DRRM approach to eliminate disaster impact. Resilience is being guaranteed through the integration of the global parametrics in the management of hydro-meteorological hazards with the CDRRMO Emergency Operation Center.

Both programs that run in Kidapawan for years now is funded by European Union Humanitarian Aid (ECHO). Ms Arlene Aquino, ECHO official came to visit and checked the impact of the two projects to its beneficiaries in Kidapawan.

City Mayor Jose Paolo M. Evangelista has executed an order earlier to form a group that ensures project continuity and well-managed despite transition from change of leadership since forging of previous terms and agreements during the term of former Mayor Joseph A. Evangelista.

CDRRMO has presented measures and interventions in the four thematic areas that has greatly contributed to its DRRM in Kidapawan that are being done in partnership with MOVEUP and SUPPA projects. It includes crafting of flash flood AA protocol and the establishment of its corresponding Early Warning Device for effective monitoring and management of flooding incidents that affects vulnerable communities.

Challenges are bared especially on the supposed behavioral change of people towards disposal of their solid waste. Dumping of garbage to bodies of water such as rivers, creeks and canals is validated as mainly aggravating to recent flash flood incidents. It is seen as potentially next to maybe given due course with the future funding of ECHO.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 10, 2022) – PORMAL ng nagbukas ang bagong Trading Post o Bagsakan ng gulay sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City ngayong araw na ito ng Lunes, Oct. 10, 2022.

Kaugnay nito, β€œibinagsak” sa lugar ang mga preskong gulay at isda (tilapia at hito) para sa mga wholesalers (10 kilos above) ng mga nabanggit na produkto sa murang halaga lamang.

Mga miyembro ng Kidapawan City Vegetable Growers Association at mga fisherfolks mula sa mga barangay ang β€œnagbabagsak” ng kanilang  produkto sa Trading Post.

Kabilang sa mga gulay na mabibili sa β€œbagsakan” ay pechay, talong, kalabasa, pipino, broccoli, radish, pati na sibuyas at kamatis.

Mga naglalakihang hito at tilapia naman ang maaaring mabili ng mga consumers.

Layon nito na matulungan ang mga local vegetable at local fisherfolks na magkaroon ng sure market ang kanilang ani o produkto at palakasin pa ang food production and sustainability sa lungsod, ayon kay City Agriculturist Marissa T. Aton.

Samantala, nagsimula na ring magbenta ng bigas ang mga local rice farmers sa Trading Post at ito ay maaaring wholesale at per sack – 50kg (P1,800.00), 25kg (P900.00), habang mura lang din ang presyo bawat kilo ng bigas sa halagang P37.00.

Nakapaloob naman ito sa buy-back program ng City Government of Kidapawan na naglalayong mabigyan ng mas malaking oportunidad ang mga local rice farmers.

Pinondohan ng Dept. of Agriculture 12 sa ilalim ng Agri-Business and Marketing Assistance Division ang nabanggit na Trading Post ng abot sa P3M kung saan isinagawa ang turn-over ceremony mula sa kamay ng DA12 patungong City Government of Kidapawan noong Sep. 21, 2022.

Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ay bukas ang Trading Post para sa mga retailers at mga consumers sa pangkalahatan.

Sa kabilang dako, patuloy naman ang retail o pagbebenta ng tingi ng mga preskong gulay, hito, at tilapia sa Kidapawan Farmer’s Market sa harap ng City Hall sa mababang halaga mula Lunes hanggng Biyernes. Ito, ayon kay Aton ay upang mapagsilbihan o mabigyan naman ng pagkakataon ang mga households na makabili ng nabanggit na mga produkto sa mas murang halaga direkta mula sa mga vegetable farmers at wala ng middlemen. (CIO-jscj//if//photos CIO/OCA)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 7, 2022) – UPANG magampanan ng mahusay ang kanilang mga trabaho at responsibilidad bilang mga tagapangalaga ng daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan sa kalsada o road safety, sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang mga miyembro ng Traffic Management Unit (TMU) ng Kidapawan City.

Ito ang Traffic Management Skills Training Seminar and Proper Hand Signal na isinagawa sa City Convention Center mula October 5-7, 2022 na dinaluhan ng abot sa 30 partisipante kabilang ang ilang police personnel na nakatalaga sa Municipal Police Traffic Section ng Antipas at Arakan.

Si 2nd District of Cotabato Senior Board Member Joseph A. Evangelista ang nagbigay ng mensahe sa pagbubukas ng nabanggit na training kung saan hinimok niya ang mga TMU personnel na gawin ang sinumpaang tungkulin at panatilihin ang propesyonalismo sa trabaho.

Lecturer sa unang dalawang araw ng training si Land Transportation Office Kidapawan District TRO I Adjudicator Sahid D. Abutazil kung saan ipinaliwanag niya ang nilalaman at kahalagahan ng Republic Act 4136. nd for Other Purposes.

Samantala, ibinahagi naman ni TMU Kidapawan OIC Richelle L. Taclindo ang tungkol sa Norms and Conduct, Enforcement Role of TMU kung saan nakapaloob ang Responsibilities and Characteristics of a Traffic Enforcer.

Kabilang din sa itinuro sa mga partisipante sa kanilang first two days ang Creation of Traffic Management Emergency Unit, Road Safety at Defensive Driving habang ang karagdagang lecture sa City Ordinances, Traffic Signs and Signals ay ibinahagi naman ni Maricel Regis ng TMU Kidapawan.

Sa ikatlong araw naman ay nagsagawa ng actual demonstration at actual traffic management ang mga lumahok na TMU at police personnel kung saan sa bahagi intersection ng P.C. Barracks, Barangay Sudapin pumuwesto. (CIO-jscj//if//nl)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (October 7, 2022) TINIYAK ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na maaasahan at mapagkakatiwalaan ng mamamayan ang kanyang administrasyon. Nakasentro ang First 100 Days State of the City Address o SOCA ng alkalde sa larangan ng good governance, transparency, competence, responsiveness at reliability na ini-report niya sa mamamayan ng lungsod ngayong araw ng Biyernes, October 7, 2022. Ibinahagi ni Mayor Evangelista ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng unang isang daang araw na naglalayong makapagbigay ng ibayong serbisyo at makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, maayos na pamamahala at magkaroon ng de-kalidad na kabuhayan para sa lahat. β€œThe role of government is to help provide quality life for our people. This is our principle of governance.”, pahayag ni Mayor Evangelista. Nakapaloob ang mga naunang accomplishment at mga gagawin pa ni Mayor Evangelista sa konseptong LUNTIAN KIDAPAWAN na siyang kasangkapan para makamit ang inaasam na maaasahan at mapagkakatiwalaang pamamahala para sa lahat. Kabilang sa highlights ng accomplishments ni Mayor Evangelista sa kanyang unang 100 days ay ang mga sumusunod: Paglulunsad ng Kid I-Report App para sa mas madali at mabilis na transaksyon sa City Government, transparency sa paggamit ng office supplies at fuel sa mga sasakyan, carpooling ng mga sasakyan ng iba’t-ibang tanggapan sa City Hall, paglalagay ng Global Positioning System at Monitoring Devices sa mga heavy equipment para sa matipid at wastong paggamit ng fuel allocation, 60% na pagbaba sa paggamit ng fuel allocation sa mga nakumpletong road rehabilitation projects. Ipinatupad din ang Public Assistance Desk sa City Hall na siyang tumutulong para sa pagbibigay serbisyo sa mga senior citizens at persons with disabilities, Free WiFi internet services para sa lahat ng pumupunta sa City Plaza, pagtatayo ng bagong Operations Center na siyang tatanggap ng reklamo ng mga mamamayan sa kakulangan halimbawa ng serbisyo mula sa City Government, improved connectivity ng digital connection ng City Treasurer, Assessor at Bureau of Fire Protection para sa mas mabilis na application at renewal ng business permits at licenses, operation ng Plastic Recycling Facility na nagpo-proseso ng mga basura tungo sa eco-bricks, hollow blocks at iba pang mapapakinabangan na mga bagay, pagbabawal sa paggamit ng mga single use plastic sa mga opisina ng City Hall, pagbibigay ng libreng digital mental health vouchers medical consultation at subscription para sa mga empleyado ng City Government, pagbubukas ng kauna-unahang City Museum, pagbubukas ng Bagong Bagsakan Center para sa mga produktong agrikultura at pagkain na mula sa mga magsasaka ng lungsod.Dagdag pa ang road concreting ng mahigit isang kilometrong farm-to-market road na nagkokonekta sa mga barangay ng Ginalitan, Balabag at Perez, pagbuo ng KIDCARE o Kidapawan City Anti Vice Regulation and Enforcement Unit, at ang matagumpay na pagdiriwang ng Kasadya sa Timpupo 2022 Fruit FestivalHinati naman sa 10 na β€˜areas of priority’ ang LUNTIAN KIDAPAWAN na isinusulong ni Mayor Evangelista. Ang mga ito ay ang sumusunod: Reliable Governance, Digital Infrastructure and Connectivity, Waste Management, Health Care and Well Being, Education Culture and Arts, Food Production, Safety and Security, Access to Basic Utilities, Support to the Growth of Tourism, at Social Capital. Pinasalamatan ng alkalde si City Vice Mayor Melvin Lamata, Jr. at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pagsasa-ordinansa ng Luntian Kidapawan na siyang magiging sistema ng paglilingkod at pamumuno ng City Government. Dumalo sa SOCA ni Mayor Evangelista ang kanyang maybahay na si Atty. Anj Evangelista, kanyang ama na si dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph Evangelista, Cotabato Provincial Vice Governor Efren PiΓ±ol, mga pangunahing opisyal ng government line agencies na nakabase sa lungsod, Department Heads ng City Government, mga opisyal sa 40 barangay ng Kidapawan City, mga barangay workers, mga representante mula sa people at civic organizations, at mga empleyado ng City Government. Isinagawa ni Mayor Evangelista ang kanyang First 100 days SOCA sa City Gymnasium ganap na 8:30 ng umaga at tumagal ng halos isang oras. Live din itong napanood sa pamamagitan ng live streaming mula sa City Government of Kidapawan Official Facebook page. ##(CMO-cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (October 6, 2022) IKINATUWA ng pamunuan ng St. John Marie Vianney Quasi-parish ng lungsod ang natanggap na β€˜Eco-Bricks’ mula sa City Government of Kidapawan. Personal na ibinigay ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang abot sa 147 na eco-bricks na gawa pa mismo ng City Government, kay Father Hipolito Paracha, DCK nitong araw ng Miyerkules, October 5, 2022 kung saan ay ginanap sa mismong simbahan ng Parokya sa Barangay Singao ng lungsod. Pinasalamatan ng quasi-parish si Mayor Evangelista dahil maliban pa sa makakatulong ang eco-bricks sa proyektong kanilang ipatatayo ay pagpapakita na rin ito ng suporta ng alkalde sa mga isinusulong na programa ng Simbahang Katolika para sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran. Ang paggawa ng eco-bricks ay isa sa mga pet project ni Mayor Evangelista na resulta ng waste segregation campaign ng City Government. Bukod pa sa nare-recycle ang basurang nakokolekta sa pamamagitan ng paggawa ng eco-bricks ay nababawasan din nito ang mapanirang epekto sa kapaligiran. β€œ Mapapakinabangan natin ang mga basurang nakokolekta ng CENRO sa mga tahanan at establisimento sa Kidapawan City. Magagamit natin ito sa paggawa at pagproseso ng mga bagay gaya ng eco brick na bukod pa sa mapapakinabangan ng marami ay makakatulong din sa environmental protection”, wika pa ni Mayor Evangelista. Hiniling naman ng alkalde sa kura-paroko na hikayatin ang mga mananampalatayang Katoliko na ibigay ang mga nalilikom na mga basura gaya ng basag na bote, plastic at iba pang pwedeng mare-recycle na bagay para gawing eco-bricks ng City Government. Planong gawing sahig at dekorasyon para sa itatayong β€˜Belen’ ng Parokya sa panahon ng Kapaskuhan ang natanggap na eco-bricks mula sa City Government. May pasilidad at kagamitan na nilagay ang City Government sa City Environment and Natural Resources Office o CENRO na siyang gumagawa at nagpo-proseso ng eco-bricks mula sa mga basurang nakokolekta sa lungsod. Yari sa buhangin, semento, mga basag na bote at plastic ang eco-brick na ginagawa ng City Government. Kayang gumawa ng mahigit sa isangdaang eco-bricks ang pasilidad ng CENRO kada araw. Sa ngayon ay pwedeng gamitin ang eco-bricks para sa pavement at decorative purposes habang pinag-aaralan pa ng City Government na i-improve ang kalidad nito para gawing construction material base sa standards ng Department of Public Works and Highways o DPWH. Bukas si Mayor Evangelista na magdonate ng mga eco-bricks sa mga organisasyong nagnanais magkaroon nito para sa kanilang mga proyekto. ##(CMO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 6, 2022) – MAGLILIWANAG na at makikinabang na sa serbisyo ng kuryente ang abot sa 38 na kabahayan sa Lungsod ng Kidapawan na dati ay walang koneksyon ng kuryente at hirap kung gabi dahil sa madilim na paligid.

Ang naturang bilang ng mga household ay matatagpuan sa Purok 2, Barangay New Bohol ng lungsod na pawang mga benepisyaryo ng Energization Project sa ilalim ng Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)

Nanguna sa ginawang Turn-over at Ceremonial Switch-on sa Covered Court ng Barangay New Bohol alas-10 ng umaga ang mga kinatawan ng Cotabato Electric Cooperative, Inc o COTELCO, Inc at COTELCO West District Board of Director Alzen Ryan Embodo kasama si Pepito Iremedio, Sr., ang Punong Barangay ng New Bohol pati na mga kagawad.

Sa pamamagitan ng proyekto mula sa LGSF-CBDP ng NTF-ELCAC ay nabiyayaan ng libreng koneksyon ng kuryente ang naturang bilang ng mga household at nabigyan ng tugon ang matagal na nilang kahilingan na magkaroon ng kuryente.

Ipinaliwanag ng COTELCO sa mga benepisyaryo na libre ang lahat ng gastusin sa pagpapakabit ng kuryente tulad ng elect wirings, electric meter, pipes at iba pang materyales na ginamit sa connection ngunit kailangan nilang bayaran ang monthly bill kung saan sila ay ganap na miyembro na ng kooperatiba

Katuwang naman ang NTF-ELCAC ang City Government of Kidapawan sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga barangay na may presensiya ng armadong grupo o impluwensiya ng communist terrorist group at himukin silangh mnagbalik-loog sa gobyerno.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 na nilagdaan ni President Rodrigo R. Duterte noong Dec. 2018 ay inilatag at ipinatupad ang whole-of-nation approach upang tuluyang sugpuin ang armadong pakikibaka laban sa pamahalaan at pakinabangan ang tulong ng pamahalaan tungo sa pangmatagalang kapayapaan. (CIO-jscj//if)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio