40 BARANGAY DRRM COMMITTEE NG LUNGSOD, SASAILALIM SA 3-YEAR DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT PLAN TRAINING SA SUSUNOD NA LINGGO

You are here: Home


NEWS | 2024/01/09 | LKRO


thumb image

Kidapawan City (January 9, 2024) – Pinaghahandaan na ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng City Government ang isasagawang Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Plan Training para sa apat napong (40) mga barangay ng lungsod sa susunod na lingo. Alinsunod ito sa Memorandum Circular No. 2018-01 ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Layunin ng training, na nakatakda sa January 16 hanggang 24 sa Operation Center ng CDRRMO, na magkaroon ng maayos at akmang plano at programa ang bawat DRRMC ng barangay upang maibsan kung hindi man maiwasan ang matinding epekto o pinsala ng anumang emerhensiya, kalamidad at sakuna sa kani-kanilang komunidad.

Mahalaga ang training upang mas maunawaan, wastong maipatupad at mas mapaghandaan pa ng mga Punong Barangay, Secretary, Treasurer, at Records Keeper (lalo na yaong mga bago lang nailuklok sa pwesto) ang kanilang bubuohin at babalangkasing DRRM Plan.###(Rachiel Abella│City Information Office)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio