π‹π”ππ“πˆπ€π πŒπ€π‘π‚π‡ 𝐍𝐀 π†π€π†π€π–πˆπ 𝐒𝐀 πˆπŠπ€-πŸπŸ“ 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 πƒπ€π˜ π’πˆπŒππŽπ‹πŽ 𝐍𝐆 ππ€π†πŠπ€πŠπ€πˆπ’π€ 𝐀𝐓 π“π”π‹πŽπ˜-π“π”π‹πŽπ˜ 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆-𝐔𝐍𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐆 π‹π”ππ†π’πŽπƒ 𝐍𝐆 πŠπˆπƒπ€ππ€π–π€π

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/02/07 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Pebrero 3, 2023) – SA temang β€œMalinis na Kapaligiran, Gobyernong Maasahan, Disiplinadong Mamamayan” ay ipapakita ng mga mamamayan ng Kidapawan ang pagkakaisa tungo sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lungsod sa ika-25 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod ng Kidapawan sa Pebrero 12, 2023.Ito ay sa gaganaping β€œLUNTIAN MARCH” na pangungunahan ng City Government of Kidapawan kasama ang iba’t-ibang nagkakaisang sektor sa lungsod. Ang mga opisyal ng Lungsod ng Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, kasama si City Vice-Mayor Melvin Lamata, Jr, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan ang mangunguna sa naturang aktibidad na katatampukan ng mga departamento ng local government unit, national agencies, academe, business, people’s organizations, OFWs associations, at iba pang grupo na magkatuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa lugar. Sa kanyang mensahe sa Flag raising and convocation program na ginanap ngayong araw ng Lunes, sinabi ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na magiging tunay na espesyal ang pagdiriwang ng ika-25 Charter Day sa Pebrero 12, 2023.Ito raw ay dahil sa mga sumusunod na dahilan: nagkakaisang mamamayan upang mapanatili ang malinis ang kapaligiran, mga empleyado ng pamahalaan na maasahang tunay pagdating sa serbisyo-publiko at mga residente ng lungsod na pinaiiral ang disiplina sa lahat ng kanilang gawain. Tunay ngang kakaiba ang β€œLuntian March” sa kadahilanang nakapaloob dito ang Zumba March Contest 2023, isang paligsahan na may tatlong kategorya at ito ay ang Category A – minimum of 20, maximum of 40 participants (20 unrelenting); Category B – at least 50 to 100 participants (50 unrelenting); at Category C- inter-department o cluster departments ng LGU Kidapawan City – 30 and above part0cipants (30 unrelenting).Magwawagi naman ang mga grupong makakakuha ng pinakamataas na score base sa inilatag na criteria at ito ay ang Choreography – 40%, Endurance – 40%, at Visual and Aesthetics – 20%.Tatanggap ng cash prizes ang mga magwawagi bawat category at ito ay ang mga sumusunod: Category A 1st Place P35,000, 2nd Place P25,000, 3rd Place P15,000; Category B 1st Place P100,000, 2nd Place P75,000, 3rd Place P50,000, at Category C 1st Place P30,000, 2nd Place P20,000, 3rd Place P10,000.Tiyak namang magpapatalbugan ng talento at husay sa Zumba ang mga lalahok sa Zumba March 2023 at maliban rito ay maghahatid ito ng ibayong tuwas sa mga spectators at maging sa hanay ng mga lalahok sa naturang kompetisyon.Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat ng grupong interesadong lumahok na magtungo agad sa Culture and Arts Office na matatagpuan sa City Pavilion, likurang bahagi ng City Tourism Office at katabi ng DILG Kidapawan City Office para sa karagdagang impormasyon. (CIO-jscj//if//nl)#luntiankidapawan



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio