πŒπ€π˜πŽπ‘ π„π•π€ππ†π„π‹πˆπ’π“π€ ππ€π†πƒπŽππ€π“π„ 𝐍𝐆 β€˜π„π‚πŽ-ππ‘πˆπ‚πŠπ’β€™ 𝐒𝐀 𝐒𝐓. π‰πŽπ‡π πŒπ€π‘πˆπ„ π•πˆπ€πππ„π˜ ππ”π€π’πˆ-ππ€π‘πˆπ’π‡ 𝐍𝐆 π‹π”ππ†π’πŽπƒ

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/10/06 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (October 6, 2022) IKINATUWA ng pamunuan ng St. John Marie Vianney Quasi-parish ng lungsod ang natanggap na β€˜Eco-Bricks’ mula sa City Government of Kidapawan. Personal na ibinigay ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang abot sa 147 na eco-bricks na gawa pa mismo ng City Government, kay Father Hipolito Paracha, DCK nitong araw ng Miyerkules, October 5, 2022 kung saan ay ginanap sa mismong simbahan ng Parokya sa Barangay Singao ng lungsod. Pinasalamatan ng quasi-parish si Mayor Evangelista dahil maliban pa sa makakatulong ang eco-bricks sa proyektong kanilang ipatatayo ay pagpapakita na rin ito ng suporta ng alkalde sa mga isinusulong na programa ng Simbahang Katolika para sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran. Ang paggawa ng eco-bricks ay isa sa mga pet project ni Mayor Evangelista na resulta ng waste segregation campaign ng City Government. Bukod pa sa nare-recycle ang basurang nakokolekta sa pamamagitan ng paggawa ng eco-bricks ay nababawasan din nito ang mapanirang epekto sa kapaligiran. β€œ Mapapakinabangan natin ang mga basurang nakokolekta ng CENRO sa mga tahanan at establisimento sa Kidapawan City. Magagamit natin ito sa paggawa at pagproseso ng mga bagay gaya ng eco brick na bukod pa sa mapapakinabangan ng marami ay makakatulong din sa environmental protection”, wika pa ni Mayor Evangelista. Hiniling naman ng alkalde sa kura-paroko na hikayatin ang mga mananampalatayang Katoliko na ibigay ang mga nalilikom na mga basura gaya ng basag na bote, plastic at iba pang pwedeng mare-recycle na bagay para gawing eco-bricks ng City Government. Planong gawing sahig at dekorasyon para sa itatayong β€˜Belen’ ng Parokya sa panahon ng Kapaskuhan ang natanggap na eco-bricks mula sa City Government. May pasilidad at kagamitan na nilagay ang City Government sa City Environment and Natural Resources Office o CENRO na siyang gumagawa at nagpo-proseso ng eco-bricks mula sa mga basurang nakokolekta sa lungsod. Yari sa buhangin, semento, mga basag na bote at plastic ang eco-brick na ginagawa ng City Government. Kayang gumawa ng mahigit sa isangdaang eco-bricks ang pasilidad ng CENRO kada araw. Sa ngayon ay pwedeng gamitin ang eco-bricks para sa pavement at decorative purposes habang pinag-aaralan pa ng City Government na i-improve ang kalidad nito para gawing construction material base sa standards ng Department of Public Works and Highways o DPWH. Bukas si Mayor Evangelista na magdonate ng mga eco-bricks sa mga organisasyong nagnanais magkaroon nito para sa kanilang mga proyekto. ##(CMO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio