𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—π—¨π—‘π—–π—§π—œπ—’π—‘ π—‘π—”π—•π—œπ—¬π—”π—¬π—”π—”π—‘ π—‘π—š π—£πŸ―.πŸ±π—  π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—¦π—¬π—¦π—§π—˜π—  π—™π—”π—–π—œπ—Ÿπ—œπ—§π—œπ—˜π—¦ π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—–π—œπ—§π—¬ π—šπ—’π—©π—˜π—₯π—‘π— π—˜π—‘π—§ 𝗒𝗙 π—žπ—œπ——π—”π—£π—”π—ͺ𝗔𝗑

You are here: Home


NEWS | 2023/04/14 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 14, 2023) – PAKIKINABANGAN na ng tatlong purok sa Barangay Junction, Kidapawan City ang bagong water system facilities na ipinagkaloob sa kanila ng City Government of Kidapawan na nagkakahalaga ng P3,535,646.25.Kabilang rito ang Purok Pag-asa na nabigyan ng 1unit Elevated Steel Tank, Purok Madasigon na nabigyan ng 1 unit ng Concrete Ground Reservoir at ang Purok Mauswagon na nabiyayaan ng 1unit Concrete Ground Reservoir at 1 Deep Well Drilling, ayon kay Engr. Lito Hernandez, ang City Engineer ng Kidapawan. Ginanap ang blessing and turn-over ceremony ng naturang proyekto ngayong araw ng Biyernes, Abril 14, 2023, alas-10 ng umaga.Mula sa General Fund ang pondong ginamit para sa proyekto na naglalayong mabigyan ng sapat at malinis na tubig ang mga residente ng nabanggit na mga purok. Si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa turn-over kasama si Engr. Hernandez kung saan pormal at masayang tinanggap ni Junction Punong Barangay Crestitutu Sarigumba, mga purok leaders at kanilang nasasakupan ang tatlong proyekto.Dumalo din sa mahalagang aktibidad sina City Councilors Carlo Agamon, Galen Ray Lonzaga, Jason Roy Sibug, Airene Claire Pagal, Judith Navarra, Michael Earvin Ablang at ABC Kidapawan President at Ex-Oficio Morgan Melodias.Pinasalamatan ni Sarigumba si Mayor Evangelista sa natanggap na mga proyekto na ayon pa sa kanya ay lubhang kinakailangan ng mga purok at ngayong napasakamay na nila ito ay nangakong iingatan at gagamitin ng maayos ang mga pasilidad. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio