𝗕𝗙𝗣 𝗞𝗜𝗗𝗔𝗣𝗔𝗪𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/10/09 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (October 9, 2023) MALAKING TULONG kontra sunog ang bagong fire truck, na ibinigay ng Lokal na Pamahalaan, sa Bureau of Fire Protection o BFP sa lungsod. Itinurn-over ang bagong truck matapos ang blessing, kasabay ng flag ceremony kaninang umaga, Lunes, October 9, 2023.

Ayon kay FC/Insp. Marleap Nabor, ang City Fire Marshal, gagamitin nila ito bilang pangunahing taga responde sa mga insidente ng sunog hindi lang sa lungsod kundi pati narin sa mga kalapit na bayan.

Ang bagong Fuso Fire Truck, na binili ng LGU sa halagang, P2.1 Million mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund, ay may water capacity na 1,500 liters. Maliban sa malalaking sunog, malaki rin ang pakinabang nito sa mga insidente ng grass fires, dahil na rin sa mataas ang ground clearance ng bagong truck.

Pinasalamatan ng BFP ang Kidapawan City Government sa walang humpay na suporta nito sa programa ng kanilang departamento.

Ito na ang pang-anim sa fire truck ng City BFP sa kasalukuyan. ###(CIO/lrko)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio