π——π—˜π—Ÿπ—œπ—žπ—”π——π—’ 𝗔𝗧 π—›π—œπ—‘π——π—œ 𝗑𝗔 π—£π—œπ—‘π—”π—žπ—œπ—žπ—œπ—‘π—”π—•π—”π—‘π—šπ—”π—‘π—š π— π—šπ—” π—–π—”π—•π—Ÿπ—˜ π—ͺπ—œπ—₯π—˜π—¦ π—¦π—œπ—‘π—œπ— π—¨π—Ÿπ—”π—‘ π—‘π—š π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—Ÿπ—œπ—‘ π—‘π—š 𝗒𝗖𝗕𝗒 π—žπ—”π—¦π—”π— π—” π—”π—‘π—š π—–π—’π—§π—˜π—Ÿπ—–π—’ 𝗔𝗧 π— π—šπ—” π—§π—˜π—Ÿπ—–π—’π—¦

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/05/23 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 9, 2023) – May dalang panganib ang mga cable wires na nakabitay at nagkabuhol-buhol sa mga poste ng kuryente na makikita sa kahabaan ng national highway at iba pang mga pangunahing kalsada sa lungsod.

Posible itong magsanhi ng aksidente sa mga motorista o kahit sa mga tao na lumalakad o dumadaan lamang sa lugar.
Maliban rito, ay hindi kaaya-ayang tingnan at isang eye sore ang mga nakapulupot, nagkanda-buhol-buhol at halos nalalaglag na mga cable wires.

Kaya naman isang Executive Order ang nilagdaan ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista para tugunan at bigyan ng solusyon ang problemang ito na matagal ring hindi nabibigyan ng kaukulang pansin.

Sa pamamagitan ng naturang EO ay naatasan ang Office of the City Building Official o OCBO para pangunahan ang pagtatanggal ng mga electrical at cable wires na nagdudulot ng hazard sa tao, mga sasakyan, at iba pang ari-arian.

Kaugnay nito pinaliwanag ni OCBO Head Engr. Jicylle Merin kung ano ang ginagawa ng OCBO personnel ngayon sa highway kaugnay ng kautusang linisin ang mga poste ng kuryente na nagtataglay ng mga dangling cable wires. Ito ay ang massive pullout of dangling wires o mga wires na hindi na ginagamit at tila napabayaan na sa tagal ng panahon.

Ibinahagi din niya ang Executive Order No. 2 series of 2023 na may titulong β€œAn Order Prohibiting the Hazardous Dangling of Wires and Maintenance of Substandard Poles within the City of Kidapawan, Creating an Enforcement Mechanism to Ensure Compliance with Existing Provisions of Law, Directing the Filing of cases Against Violators, and other Related Purposes”, bilang basehan sa pagtatanggal ng mga wires. Ang mga wires ay pag-aari ng ilang mga Telecommunication Companies o Telcos na hindi na functional at tila napabayaan ng nakalambitin sa mga poste.

Kaya naman nitong May 4, 2023 ay sinimulan na ng mga personnel ng OCBO ang pagtatanggal ng mga napabayaang wires upang makaiwas sa aksidente at hind imaging masakit sa mata ang itsura ng mga poste ng kuryente.

Nagkaroon muna ng serye ng pagpupulong sa pagitan ng OCBO, Cotabato Electric Cooeprative, Inc. o COTELCO at ilang mga Telcos para sa pagsasagawa ng massive pullout of dangling wires.
Kinakailangan daw kasi na ma-identify ng tama ang mga tatanggaling wires upang hindi magka-aberya at dito kailangan ang tulong ng COTELCO pati na ang mga natukoy na Telcos.

Binigyang-diin ni Engr. Merin na buong Kidapawan ang target na ikutin ng mga linemen ngunit uunahin muna ang kahabaan ng national highway sa Barangay Poblacion dahil dito naka-concentrate ang mga dangling wires o volume ng mga wires at suriin na rin ang kalagayan ng mga poste ng kuryente at alamin kung ito ba ay nasa mabuting kondisyon pa o kailangan na ring palitan.

Sa kabilang dako, nilinaw ni COTELCO OIC General Manager Crismaceta Golocino na hindi pag-aari ng COTELCO ang mga dangling wires na ito. Katunayan, maraming mga wires na inilagay ang mga Telcos na kailangan ng tanggalin dahil hindi na nga ginagamit o pinakikinabangan kaya naman kailangan ng alisin.

May mga cable wires din raw na maituturing na illegal attachments dahil walang pahintulot ang paglalagay ng mga ito kaya kailangan din isali sa ginagawang massive pullout.

Kapag wala raw Joint Pole Agreement o JPA ang COTELCO at ang alinmang Telco ito ay invalid at ito ang mga illegal attachments, dagdag pa ni GM Golocino.

Sa ngayon ay unti-unti ng natatanggal ang mga cable wires na hindi magandang tingnan at posibleng maging sanhi pa ng malalang aksidente sa national highway partikular na sa harapan ng City Highwalk patungong Jolibee Drive Thru. .

Makakaasa naman ang mga mamamayan na magpapatuloy ang operasyon ng mga personnel mula sa OCBO at COTELCO kasama ang Office of the City Engineer upang unti-unti ay mawala na ang mga dangling wires na dulot ay aksidente ng motorista at iba pang panganib. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio