𝗞𝗨𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗜𝗣𝗢𝗥𝗠𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗥𝗔𝗔 𝗠𝗘𝗘𝗧 ’𝟮𝟯 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟰𝟲𝟴 𝗔𝗧𝗛𝗟𝗘𝗧𝗘𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗜𝗗𝗔𝗣𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟𝗦 𝗗𝗜𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/04/23 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 23, 2023) -NATANGGAP na ng abot sa 468 atleta o mga manlalaro ng DepEd Kidapawan Schools Division ang kanilang complete set of SOCCSKSARGEN Regional Athletic Meet o SRAA ‘23 uniforms ngayong araw na ito ng Linggo, Abril 23, 2023 o isang araw bago ang pagsisimula ng laro bukas Abril 24, 2023.

Mula damit pang-itaas hanggang pang-ibaba kasama na ang sapatos ang tinanggap ng mga manlalaro sa ginawang pamamahagi sa Kidapawan City National High School o KCNHS sa pangunguna ng mga guro at iba pang technical official.

Taglay ng uniporme ang disenyo ng official uniform ng Kidapawan Delegation na Mynas o isang uri ng aktibo at matalinong ibon.
Maliban rito ay kaaya-ayang tingnan ang mga atleta ng lungsoid sa suot nilang uniporme na tiyak na magpapalakas ng kanilang kumpiyansa sa bawat laro.

Kaugnay nito, tuwang-tuwa naman ang mga manlalaro ng lungsod maging ang kanilang mga guro, coaches at magulang dahil kumpleto na ang paghahanda ng kanilang mga manlalaro para sumabak sa pinakamalaki at pinakaaabangang laro sa buong rehiyon ng SOCCSKSARGEN.

Pinasalamatan nila si Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa ibayong suporta at pagbibigay ng inspirasyon sa kanila. Ipinaabot din nila ang pasasalamat sa Kidapawan City Schools Division sa pangunguna ni Dr. Natividad Ocon, CESO VI at sa lahat ng mga guro, coaches, at trainers na walang sawang nagtuturo at gumagabay sa kanila.

Gagawin ang SRAA ’23 (Abril 24-28, 2023) sa Lungsod ng Kidapawan sa kauna-unahang pagkakataon kaya naman lubos ang ginawang preparasyon ng City Government at ng DepEd City Schools Division upang maisagawa ng maayos, masigla, at ligtas ang bawat sport event ng SRAA. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio