𝗟ð—Ļ𝗠𝗔𝗚ð—Ēð—Ąð—š 𝗞𝗔𝗕ð—Ļð—›ð—”ð—Žð—”ð—Ą ð—Ąð—š 𝗊𝗘𝗟𝗗𝗘ð—Ĩ ð—Ąð—” 𝗞𝗜𝗗𝗔ð—Ģ𝗔𝗊EÑð—Ē, ð—Ģð—œð—Ąð—Ļð—Ĩ𝗜 ð—Ąð—š ð—Ģð—”ð— ð—”ð—›ð—”ð—Ÿð—”ð—”ð—Ą

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/11/22 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (November 21, 2023)
Pinuri ng Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, sa flag ceremony kahapon ang residente ng Barangay Manongol na si Jerry Lara, dahil sa karangalang inuwi nya sa lungsod.

Tinanghal bilang best DOLE-Assisted Livelihod Project Regional Winner sa Individual Category, at 5th Place nominee naman sa national level nitong nakaraang November 16, ang napalagong pangkabuhayan ni Jerry.

Taong 2019 tumanggap ng Acetelyn Igniter Set at Impact Drill Bit with Igniter si Jerry, bilang isa sa 891 na mga benepisyaryo, ng Kabuhayan Starter Kit sa lungsod, ng Department of Labor and Employment o DOLE – Integrated Livelihood Program (DILP) ng ahensya, sa pamamagitan ng Public Employment Services Office o PESO mula 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Binuksan ni Jerry ang kanyang welding shop noong November 2019, upang suportahan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya, lalo pa’t sa kanya lang umaasa ang kanyang asawa at apat na mga anak.

Dahil sa ipinamalas nyang dedikasyon sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan at kagandahang-loob sa kanyang kapwa at sa pamayanan, tumanggap sya ng plaque ng pagkilala at P30,000.00 na cash incentive bilang gantimpala.@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio