π— π—šπ—” π— π—”π—‘π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—₯π—’π—‘π—š π—‘π—”π—š-𝗨π—ͺπ—œ π—‘π—š π— π—˜π——π—”π—Ÿπ—¬π—”, π—£π—œπ—‘π—”π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ—”π—‘ π—‘π—š π—Ÿπ—šπ—¨

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/10/24 | LKRO


thumb image

Kidapawan City – (October 23, 2023)
Pitong mga atleta, na nag-uwi ng karangalan sa lungsod, ang pinarangalan ng Lokal na Pamahalaan, kasabay ng convocation program sa City Hall Lobby, kanina.

Ito’y sina Sheen Nebres, Kristallen Gaspe, Randolph Gantuangco, Jefferson Medida, Von John Letada, at Limuel Fernandez, na nagkamit ng unang gantimapala sa pinakaunang Hermosa Ultimate Frisbee Tournament noong Oktubre 7-8, 2023 sa Edwin Andrew’s Air Base, Zamboanga City; at Jhong Marasigan, na nagkampeyon sa Offroad Challenge – Stock Modified Category sa 67th Baungon, Bukidnon Charter Day Celebration nito lamang Oktubre 14, 2023.

Pinarangalan din si Disability Affairs Officer Louie Quebec ng City LGU, na tumayong Frisbee Team Manager.

Inaasahan ng Lokal na Pamahalaan na sa pamamagitan ng pagkilalang ito ay mas marami pang mga manlalaro sa lungsod ang mahihikayat na pagtagumpayan ang mga patimpalak na kanilang lalahukan.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio