NEWS | 2023/03/20 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Marso 20, 2023) – SABAY-sabay na namumpa sa tungkulin ang mga opisyal at miyembro ng Kidapawan City Tourism Council sa isang Oath-Taking Ceremony na ginanap sa City Convention Center, ala-una ng hapon ngayon araw ng Lunes, Marso 20, 2023.
Si Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo EvangelistA, Honorary Chairperson ang nagsibing Presider kung saan nanumpa sa kanyang harapan ang mga bumubuo ng tourism council.
Ito ay kinabibilangan nina City Councilor at Sangguniang Panlungsod Committee on Tourism Chairperson Galen Ray Lonzaga bilang Chairperson, Blanca Fe Isla-Villarico ng Kidapawan City Stakeholders Association bilang Vice-Chairperson at mga miyembro konseho na sina Ferdinand Cabiles (DTI Cotabato Provincial Director), Shirley Uy (Deputy Protected Area Superintendent), Edgar Paalan (CENRO), Datu Camilo Icdang (IP Affairs – Representative), Rey Narciso (Pres. Of Metro Kidapawan Chamber of Commerce), Chef Laura Camille Sison (Pres – Restaurant Sector/ AKHORR), Jennie Cabrera (Pres- Travel Agency and Tour Operators), at Renante Antac (Pres- Kidapawan Tour Guides Association).
Kabilang din sa mga miyembro ng naturang konseho sina Dennis Banta (Pres – Kidapawan City Bankers Association), Judilito Laniton (Media Representative), Warlito Salugsugan (Pres – Van Transport Group), Jovelyn Omandac (Pres – Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Association), C JR Soler (Pres – Accommodation Sector), Jonathan Gabo (Pres Resort Sector), Emilio Lavilla (Farm Tourism Representative), Dr. Natividad Ocon (DepEd Kidapawan Schools Division), Naomi Yecyec (City Culture and Arts Officer), Psalmer Bernalte (Acting City Information Officer), Myrissa Tabao (Energy Development Corporation), at Cenn Teena Taynan (Sangguniang kabataan Federation President).
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 04, series of 2023 na nilagdaan ni Mayor Evangelista noong January 26, 2023 ay itinatag muli ang City Tourism Council alinsunod na rin sa DILG Memo Circular No. 95-162 at sa isinasaad ng RA 7160 – Local Government Code of 1991.
Inaasahang sa pagkakatatag ng konseho ay lalo pang mapapalakas ang industriya ng turismo sa lungsod sa pamamagitan ng pagpaplano, paggawa ng mga polisiya, at angkop na programa ganundin ang epektibong samahan ng City Government, private sector at iba pang stakeholders. (CIO)