β€œπ—¦π—¨π—šπ—•π—” 𝗦𝗔 π—£π—Ÿπ—”π—­π—”β€ 𝗔𝗧 π—œπ—•π—” 𝗣𝗔 π—§π—”π— π—£π—’π—ž 𝗦𝗔 π—–π—¨π—Ÿπ— π—œπ—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—‘π—š 𝗙𝗔π—₯π— π—˜π—₯𝗦 𝗔𝗑𝗗 π—™π—œπ—¦π—›π—˜π—₯π—™π—’π—Ÿπ—žπ—¦β€™ 𝗠𝗒𝗑𝗧𝗛 π—–π—˜π—Ÿπ—˜π—•π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/05/24 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 24, 2023) – SA kauna-unahang pagkakataon ay gagawin sa Lungsod ng Kidapawan ang β€œSugba sa Plaza” bilang highlight ng Culmination Day ng Farmers and Fisherfolks’ Month Celebration sa darating na Mayo 30, 2023.

Abot sa 1,300 kilo ng isdang tilapia o katumbas ng humigit-kumulang 5,200 isdang tilapia ang ilalaan para sa mga lalahok sa β€œSugba sa Plaza”.

Handog ito ng City Government of Kidapawan para sa mga mamamayan ng lungsod at para din sa mga mamamayan mula sa ibang bayan, ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan.

Abot naman sa 2,000 tickets ang ihahanda ng kanilang tanggapan para sa pagsasagawa ng aktibidad kung saan bawat ticket ay katumbas ng 1-2 tilapia at 3 packs rice.

Ang pinakamagandang balita naman ay libre o walang bayad ang ticket, ayon pa rin kay Aton.

Maglalaan ng 40 tickets sa bawat barangay na may malalaking populasyon (10 barangays) at ito ay kinabibilangan ng Poblacion, Singao, Sudapin, Lanao, Balindog, Paco, Amas, Nuangan, Manongol, at Magsaysay habang tig 30 tickets naman para sa nalalabing 30 barangays ng lungsod, at meron ding reserved tickets para sa mga walk-in participants at espesyal ng bisita.

Magsisimula ito alas-otso ng umaga sa City Plaza sa nabanggit na araw kung saan by batch ang paraan ng pagpasok (300 persons per batch) at may isang oras na ibibigay para sa pag-ihaw o β€œsugba” at pagkain ng tilapia.

May mga nakahandang lamesa, grilling units, water supply, at tilapia containers sa loob ng City Plaza.

Labing-limang taong gulang pataas ang maaaring lumahok sa β€œπ™Žπ™ͺπ™œπ™—π™– 𝙨𝙖 𝙋𝙑𝙖𝙯𝙖” at kung may mga batang papasok dapat ay kasama ang mga magulang at gagamitin ang kanilang ticket para sa mga bata.

Pinapayuhan din ang mga lalahok sa aktibidad na magdala ng sariling drinking water at pamaypay para sa pag-ihaw ng tilapia.
Layon ng β€œπ™Žπ™ͺπ™œπ™—π™– 𝙨𝙖 𝙋𝙑𝙖𝙯𝙖” na maipakita ang masaganang ani ng tilapia sa Lungsod ng Kidapawan at maipabatid hindi lamang sa mga residente ng lungsod kundi pati na sa mga mamamayan mula sa ibang bayan o rehiyon, ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.

Isa rin itong tribute o alay para sa mga local farmers/fisherfolks bilang pasasalamat sa kanilang malaking kontribusyon sa pag-unlad ng agrikultura sa lungsod.

Sa ganitong paraan ay mas lalakas ang market linkage ng tilapia at magbibigay ng daan para sa mga local fisherfolks na magkaroon ng mas malaking benta at kita.

Samantala, maliban sa β€œSugba sa Plaza” ay itatampok din ang Inter-School Product Development, Tilapia Cooking Competition, at Product Display (Mega Tent), ayon naman kay Efren Temario, ang Fisheries Coordinator ng OCA.

Kaugnay nito, inaasahang magiging patok sa mamamayan ang aktibidad kung saan makikita ang masaganang ani ng malalaki at malinamnam na tilapia mula sa mga fish pond growers o fisherfolks ng lungsod.

Tema ng pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolks’ Month ngayong Mayo 2023 ay β€œMasaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiya”. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio