𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗞𝗜𝗗𝗔𝗣𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗥𝗘𝗔𝗨 𝗢𝗙 𝗙𝗜𝗥𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢 𝗕𝗙𝗣, 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 !

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/09/12 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (August 31, 2023) Tumanggap ng parangal mula sa Bureau of Fire Protection Region (BFP) XII si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista bilang pagkilala sa kanyang ipinaabot na suporta at kontribusyon sa paghahatid ng basic fire services at pagsasakatuparan ng mga programa at mandato ng ahensya.

Kabilang sa mga ito ang pagpapatayo ng Client Service Area sa loob ng LGU compound na nagkakahalaga ng P126,416; isang unit ng firetruck na nagkakahalaga ng P2.8M; dalawang bagong unit ng motorsiklo (Honda Click 125cc), na nagkakahalaga ng Php. 236,000; emergency accessories para sa pagsasagawa ng Fire Safety Inspection, Fire and Arson Investigation at at koordinasyon ng ahensya sa mga barangay officials, na nagkakahalaga ng Php. 36,000; PPEs at Apparel; at Fire Sub-Station sa Brgy. Paco, na naitayo sa pakikipagtulungan ng AV Lumbayan Trading sa halagang P532, 241 na pundo.

Tinanggap ng alkalde ang parangal nitong August 16, 2023 kasabay ng selebrasyon ng 2nd BFP Anniversary, na ginanap sa Acacia Hall, Cinco Niñas, sa Koronadal City, South Cotabato.
(By: Vonkluck Herrera, City Information Office)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio