NEWS | 2023/09/19 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – (September 19, 2023)
PUPUNAN ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang budget para sa mga Persons With Disability (PWD) dito sa lungsod. Tiniyak nya ito sa pagtitipon ng mga opisyal ng PWD City Federation, kamakailan lang.
Sa kasalukuyan kasi, tinatayang aabot hanggang P19M ang 1% ng CY 2023 Annual Budget na maaaring magamit para sa mga kaakibat na programa ng PWD.
Bibigyan ng City Government ng mga skills at technical training, livelihood, medical at social welfare assistance ang 3,232 na mga PWD sa lungsod, para na rin mas mapaunlad pa ang kanilang kakayahan, magkaroon ng kompyansa sa sarili at marangyang kabuhayan.
Pinag-aaralan din ngayon ng Sangguniang Panlungsod, ang pagpapasa ng isang ordinansa na tutugon sa mga pangangailangan ng mga PWD, kabilang na ang sasakyang magagamit para sa mga aktibidad ng PWD Affairs.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Rey Herrera, ang presidente ng City Federation of PWD.
Direktang ipinatutupad ng mga tanggapan ng City Social Welfare and Development, PWD Affairs, Office of the City Mayor, PWD City Federation at mga partner agencies ang mga programa patungkol sa pagpapaunlad ng mga PWD sa lungsod. ##(CIO/lkro)