๐—จ๐—ก๐—ฉ๐—˜๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—™ ๐— ๐—จ๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—œ๐—ก๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ฅ๐—”๐—” โ€™๐Ÿฎ๐Ÿฏ ๐—š๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ฃ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—š๐—ฆ๐—ข๐—— ๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ช๐—”๐—ก

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/04/25 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 25, 2023) โ€“ BAGO tuluyang buksan ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet 2023 sa Kidapawan City ay ginanap ang unveiling of mural painting sa bahagi ng Quezon Boulevard, National Highway partikular na ang pader sa harapan ng Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral o OLMAG kahapon, Abril 24, 2023., ganap na 3:30 PM.

Makikita sa mural painting ang mga obra-maestra ng mga kasapi ng Irinigyun Artist Guild na nakabase sa lungsod at ito ay ang mga magaganda at makasaysayang lugar o tanawin tulad ng Mt. Apo, highland springs, bulalak, prutas at ang ganda ng kalikasan na matatagpuan sa Kidapawan.

Nanguna sa makasaysayang unveiling si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na una ng nagpahayag na ang nabanggit na mural painting ay bahagi ng pagsusulong ng โ€œLuntian Kidapawanโ€ at layuning makamit ang sustainable development para sa lungsod.
Dumalo sa aktibidad sina DepEd 12 Regional Director Dr. Carlito Rocafort, kasama ang mga Schools Division Superintendent mula sa SOCCSARGEN kabilang si Kidapawan Schools Division Superintendent Dr. Naty Ocon at iba pa, mga konsehal ng lungsod na sina Gallen Ray Lonzaga, Aljo Cris Dizon, Carlo Agamon, at Michael Earvin Ablang at mga key personnel ng City Government of Kidapawan.

Maliban sa magagandang tanawin ay taglay rin ng mural painting ang seal ng SRAA na sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga lalawigan sa Rehiyon 12 o SOCCSKSARGEN sa pamamagitan ng sports o mga palaro.

Kabilang na ngayon ang mural painting sa OLMAG sa mga landmark ng Kidapawan City na lalo pang magpapakilala sa lungsod bilang isang mapayapa, nagkakaisa, at maunlad na lugar sa Rehiyon 12 as sa buong isla ng Mindanao. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio