𝟴𝟬 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝟭𝟲 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗦𝗘𝗔𝗦 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗡𝗧𝗦 𝗛𝗜𝗥𝗘𝗗 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗣𝗢𝗧 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥 𝗗𝗔𝗬 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/05/08 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 8, 2023) – MAGANDA ang naging resulta ng ginanap na 3-day Job Fair sa City Gymnasium mula May 1-3, 2023 kaugnay sa pagdiriwang ng Labor Day nitong May 1.

Abot sa 80 aplikante ang Hired On-the-Spot o HOTS o agad na natanggap sa trabaho sa local employment habang 16 naman ang natanggap agad para sa overseas employment, ayon kay Public Employment Service Office o PESO Manager Herminia Infanta.

Nasa 33 local companies at abot sa 13 overseas companies ang nagsilbing partner agencies ng PESO Kidapawan sa naturang job fair kung saan binuksan ang abot sa 1,921 local job vacancies at 160 overseas o abroad job opportunities.

Nakapagtala ang PESO Kidapawan ng abot sa 4,846 pre-registration of applicants mula sa Kidapawan City at mga bayan sa Cotabato Province at kalapit na mga lalawigan tulad ng Davao del Sur, Sultan Kudarat at Bukidnon.

Mula sa bilang na ito, abot sa 2,200 jobseekers o katumbas ng 42% actual applicants ang dumagsa sa tatlong araw na aktibidad, ayon na rin sa PESO Kidapawan.

Inaasahan namang magsasagawa muli ng kahalintulad na aktibidad ang tanggapan katuwang ang Department of Labor and Employment o DOLE at mga partner agencies upang marami pa ang matulungang makahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio