𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗦𝗜𝗚𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗔𝗧 𝗟𝗔𝗪𝗔 (𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟) 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 (𝗖𝗔𝗡𝗢𝗣𝗬 𝟮𝟱) 𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗔𝗬𝗔𝗡

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/03/24 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 21, 2023) – DALAWANG natatanging aktibidad ang isinagawa ngayong araw na ito ng Martes, Marso 21, 2023 sa bahagi ng Sarayan River na matatagpuan sa Barangay Ginatilan, Kidapawan City partikular sa Purok 7 ng nabanggit na barangay.Ito ay ang paglulungsad ng Balik-Sigla sa Ilog at Lawa o BASIL at ang tree planting activity na pinangunahan ng Office of the City Agriculturist (OCA) kasama ang City Agricultural and Fishery Council, Inc (CAFCI) at mga opisyal ng Barangay Ginatilan sa pangunguna ni Punong-Barangay Arlene Cabacungan at ang mismong mga residente sa lugar.Abot sa 10,000 tilapia fingerlings ang inilagak o pinakawalan sa ilog ng Sarayan kung saan nagmula ang nabanggit na bilang ng fingerling mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR habang abot naman sa 100 cacao seedlings mula sa OCA ang itinanim sa gilid na bahagi ng ilog, ayon kay City Agriculturist Marissa Aton. Layon ng BASIL na manumbalik ang sigla ng naturang ilog pati na ang mga isdang nabubuhay dito at mapanatili ang natural habitat nito kung kaya’t dito ibinuhos ang mga tilapia fingerlings, ayon pa rin kay Aton.Bahagi naman ng CANOPY 25 tree planting and tree growing project ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang ginawang pagtatanim ng mga cacao seedling sa ilog. Madadagdag ang mga itinanim na cacao sa lumalaking bilang ng mga punong naitanim na ng mga volunteers kung saan target na makamit ang abot sa 2.5 milyong punong-kahoy sa loob ng isa o dalawang taon para na rin sa kaligtasan ng kapaligiran at proteksyon ng mamamayan.Para naman kay Punong-Barangay Cabacungan, mapalad ang kanyang barangay na isa sa mga piling lugar na pagtataniman ng iba’t-ibang uri ng punong-kahoy at mga fruit trees at sa ginawang launching ngayong araw ng BASIL ay manunumbalik ang dating kalagayan ng ilog ng Sarayan.At para naman mapaigting pa ang CANOPY 25 ay gumawa ng hakbang sa pamamagitan ng panukala ang mga opisyal ng Barangay Ginatilan upang makapagtanim hindi lamang sa palibot ng Sarayan River kundi pati na sa gilid ng kalsada o government roads.Bilang panghuli ay may mensahe naman ang Punong-Barangay sa mga mamamayan ng Ginatilan at pati na sa mga residente ng iba pang barangay sa Lungsod ng Kidapawan.Kaugnay nito, inaasahang magtutuloy-tuloy na ang sama-sama at nagkakaisang pagkilos para sa CANOPY 25 at tuluyan ng makamit ang mithiing maitanim ang abot sa 2.5 milyong punong kahoy para sa kapakanan hindi lamang ng mga tao sa kasalukuyan ngunit sa mga susunod pang mga henerasyon.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio