𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗧𝗜𝗣𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗬𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗚-𝗣𝟰𝗠 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧𝗦

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/05/12 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 11, 2023) – NABIYAYAAN ng tig-isang farm to market road concreting project ang Barangay Malinan na nagkakahalaga ng P4,000,000.00 at ang Barangay Katipunan na nagkakahalaga rin ng P4,000,0000.00 o kabuoang P8M infrastructure projects.

Sa turn-over ceremony na ginawa kahapon May 10, 2023 ay pormal na nailipat ang 305-meter Malinan FMR at 264-meter Katipunan FMR mula sa City Government of Kidapawan patungo sa kamay ng mga opisyal ng dalawang barangay.

Mismong si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa turn-over na masayang dinaluhan ng mga opisyal at mamamayan ng Barangay Malinan at Barangay Katipunan.

Mula sa Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program o LGSF-SBDP ang tig-P4M na pondo para sa dalawang nabanggit na proyekto na nakapaloob sa End Local Communist Armed Conflict o ELCAC ng national government.

Napabilang ang mga barangay ng Malinan at Katipunan sa mga priority barangays na nakabiyaya ng mga proyekto mula sa LGSF-SBDP tulad ng infrastructure, social services at iba pa.

Layon din nito na mabigyan ng ibayong tulong ang mga conflict-affected communities o insurgency-affected barangays upang makabangon sila sa pamamagitan ng mga biyaya mula sa gobyerno. 

Dumalo sa project turn-over si Dept of Interior and Local Government o DILG Provincial Director Ali B. Abdullah at nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa maayos at epektibong implementasyon ng proyektong laan para sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang barangay.

Nakiisa din sa okasyon sina City Councilors Michael Earvin Ablang at ABC President Morgan Melodias kasama sina City Engineer Lito Hernandez, Acting City Administrator Janice Garcia, City Budget Officer Alex Pana, City Assessor Daniel Calawen, Public Employment Service Office o PESO Manager Herminia Infanta, at CLGOO Julia Judith Geveso.

Bilang tugon, ay ipinahayag ng mga Punong Barangay na sina Gemma Pajes ng Malinan at Ricardo Reforial ng Katipunan ang kanilang pasasalamat sa natanggap na proyekto kasabay ang pangakong iingatan ang mga ito.

Ayon sa dalawang opisyal, ito ay sagot sa kanilang panalangin na mabigyan sila ng matiwasay na kalsada na pakikinabangan ng bawat residente ng barangay at maging ng iba pang nagtutungo sa lugar at higit sa lahat ay magbibigay ng daan sa pag-unlad ng pamayanan. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio