π—–π—˜π—₯π—˜π— π—’π—‘π—œπ—”π—Ÿ π—Ÿπ—œπ—šπ—›π—§π—¦ 𝗒𝗑 π—‘π—š π—™π—˜π—¦π—§π—œπ—©π—”π—Ÿ 𝗒𝗙 π—Ÿπ—œπ—šπ—›π—§π—¦ π—‘π—”π—šπ—›π—”π—§π—œπ—— π—‘π—š π—œπ—•π—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗧𝗨π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗑

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/12/02 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 1, 2022) – MATAPOS ang ilang linggong pag-aantay, dumating na rin ang takdang araw ng Ceremonial Lights On ng Festival of Lights sa Kidapawan City, alas-sais ng gabi ng Huwebes, Disyembre 1, 2022 na labis na ikinatuwa ng mga mamamayan.

Mismong si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang nanguna sa aktibidad na dinaluhan ng mga Department Heads, personnel, at iba pang manggagawa ng City Government of Kidapawan kung saan sabay-sabay na nagliwanag ang giant Christmas tree (gawa sa plastic bottles at iba pang indigenous materials) sa harap ng City Hall, Barangay Avenue, at ang mga pine trees sa road island o kahabaan ng national highway.

Sinaksihan ito ng publiko na sabik na makita ang mga ilaw at iba pang palamuti na bahagi naman ng masayang Kapaskuhan sa lungsod.

Nakapaloob sa Festival of Lights ang Road Island Pine Tree Christmas Lights Decoration Contest na may temang β€œLuntian Kidapawan” na nilahukan ng mga business establishments at iba pang grupo na nag-adopt o pumili ng pine tree na kanilang lalagyan ng ilaw at palamuti.

Isang Technical Working Group o TWG ang itinalaga upang magsagawa ng judging sa mga pines trees at base ito sa tatlong criteria: Technical Judging (Round 1) – kung saan titingnan ang design, creativity, at neatness ng adopted pine tree; Longevity of lights (Round 2) – kung saan makikita ang kalidad ng mga ilaw o Christmas lights (white, warm white, at green) na inilagay o inilapat sa mga puno (bawat Lunes ang inspection ng mga ilaw); at Energy Efficient (Round 3) – kung saan sa pamamagitan ng inilagay na electric meter ay titingnan ng TWG ang energy consumption ng bawat entry (malalaman ang may pinakamatipid na konsumo ng kuryente).

Magbibigay ang City Government of Kidapawan ng halagang P300,000 para sa magwawagi ng First Place, para naman sa Second Place ay P200,000 at ang Third Place ay P100,000. Sa darating na December 28, 2022 ay gagawin ang Awarding of Prizes for Festival of Lights winners.

Hindi naman nagpahuli ang iba’t-ibang departamento ng City Government of Kidapawan kung saan naglagay din ng mga ilaw at palamuti sa kanilang napiling puno sa road island.

Bahagi ito ng kanilang pakikiisa sa komunidad at sa layuning maging masaya at mapayapa ang pasko sa lungsod.

Lahat ng ito, ayon kay Mayor Evangelista ay naglalayong maging maliwanag, makulay, at masigla ang pagdiriwang ng pasko sa lungsod ngunit ito ay dapat maging simple lamang at makabuluhan.

Bukod dito ay naniniwala din ang alkalde na makatutulong ng malaki sa kampanya ng City Government ang paggamit ng mga recyclable materials tulad ng plastic bottles at iba pang indigenous materials para proteksyunan ang kapaligiran at makaiwas sa banta ng kalamidad tulad ng flashflood, landslide, at iba pa.

Samantala, tampok din sa ginanap Ceremonial Lights On ang LGU Dance Club Variety Show kung saan nagpakitang gilas sa pagsayaw ang mismong mga empleyado ng City Government at ang Mountain Bike Road Bike Night Circuit Race na may dalawang kategorya – MBT (age brackets, ladies open, fat boys) at Road Bike (age brackets). Tumanggap naman ng cash prizes, trophies at medals ang mga nanalo sa naturang biking race. (CIO-jscj//if//nl//)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio