NEWS | 2023/07/25 | LKRO
KIDAPAWAN CITY ā (July 24, 2023) TINIYAK ng City Government na mabibigyan ng access ang hanay ng mga Persons with Disabilities o PWDās sa usapin ng mga pangunahing serbisyo at programa.
Ito ang buod ng mensahe ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista para sa mga PWDās sa pagdiriwang ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
May nakalaang mga programa katuwang ang mga partners ng City Government mula sa national line agencies pati na sa pribadong sektor para sa mga may kapansanan, ani pa ni Mayor Evangelista.
Patunay nito ang mga ipinapatupad na programa tulad na lamang ng pamimigay ng mga ambulatory assistive devices gaya ng wheel chairs, mabilis na pagkuha ng mga personal documents tulad ng birth certificate at iba pa mula sa National Statistics Authority, scholarship and skills training programs mula sa Technical Education and Skills Development Authority, mga social interventions mula sa Department of Social Welfare and Development at mga health services mula sa Department of Health. May inilaang priority lanes ang pamahalaan para mas madali at mabilis na makatanggap ng serbisyo ang mga PWDās base sa Magna Carta for Persons with Disabilities.
Nais din ng City Government na maging produktibo ang mga PWDās sa kabila ng kanilang mga kapansanan, dagdag pa ni Mayor Evangelista. Sa kasalukuyan, ay aktibo ang City PWD Federation sa pamamagitan ng kanilang pangulo na si Mr. Reynaldo Herrera sa pagsegurong naipapatupad ng tama ang mga programa at serbisyong laan sa mga PWDās.
Mayroon ding grupo para naman sa mga kababaihang PWDās o ang Kidapawan City Empowered Women with Disability na siya namang tututok sa kalagayan ng mga babaeng PWDās sa lungsod.
Kaugnay nito ay tumanggap ng P3000 na stipend ang may mahigit sa 300 na PWDās mula sa City Government na dumalo sa okasyon ng persons with disabilities week.
Nagbigay din ng wheel chairs, baston at bigas ang City Government sa mga identified recipients ng programa.
Highlight din ng okasyon ang oath taking ng mga opisyal ng City PWD Federation at Kidapawan City Empowered Women with Disability pati na ang PWD Olympics.##(CIO/lkro)