NEWS | 2023/07/11 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – (July 11, 2023) MULING NAMIGAY NG tulong ang City Government of Kidapawan (July 10,2023) para sa mga senior citizens, tulad ng ambulatory assistive devices na magagamit ng mga identified senior citizens mula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod.
Kinapapalooban ito ng 10 wheel chairs, 6 na walkers at 20 cane o baston ang binigay ni Mayor Atty Pao Evangelista para sa mga lolo at lola na benepisyaryo ng naturang programa.
Malaki ang maitutulong sa mga senior citizens ng naturang mga kagamitan para sa kanilang pagkilos maging nasa loob o labas sila ng tahanan, ayon pa sa pamunuan ng OSCA na nandoon din sa pamimigay ng mga ambulatory assistive devices.
Isinagawa ito ni Mayor Evangelista kasabay ng Convocation Program ng City Government na sinasaksihan ng lahat ng mga kawani ng City Government kasama sina OSCA Head Lorna Morales, RSW, Executive Assistant Melagrita Valdevieso, SCC Head Morita Gayotin at Brgy. Perez Senior Citizens president Dioscora Panique, at sina City Councilors Jason Roy Sibug at Judith Navarra.
Ang pamimigay ng Ambulatory Assistive device ay tugon na rin sa kahilingan ng mga senior citizens kay Mayor Pao Evangelista bilang tulong sa kanilang hinaing at sagot sa kanilang paghihirap sa paglakad at pag galaw. ##(cio)