NEWS | 2023/04/25 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Abril 25, 2023) β PORMAL ng binuksan at ganap ng operational simula ngayong araw na ito ng Martes, Abril 25, 2023 ang Civil Registry System Outlet sa Lungsod ng Kidapawan.
Nanguna sa inauguration ng CRS Outlet si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na una ng lumiham sa Philippine Statistics Authority o PSA at sa Regional Development Council 12 at hiniling na maitayo ang naturang outlet sa lungsod.
Sa pamamagitan ng CRS Outlet o kilala bilang βSerbilisβ Center ay mas mapapadali ang proseso ng issuance and authentication ng mga civil registry documents tulad ng birth certificate, marriage certificate, death certificate at iba pang mahahalagang dokumento tulad ng Certificate of No Marriage o CENOMAR.
Halimbawa nito ay ang pagkuha ng authenticated birth certificate na dati ay aabot ng isa hanggang dalawang linggong pag-antay bago makuha pero dahil sa CRS Outlet ay maaari na itong makuha sa loob ng isa hanggang dalawang oras na lamang.
Malaking pakinabang din ang CRS Outlet para sa mga job applicants na nangangailangan ng civil registry documents at sa mga requirements sa paaralan, passport application, pagkuha ng mga clearances of iba pa tulad ng premium annotation, viewable online transaction, document printing at integration of services with other government agencies.
Ang CRS Outlet ay nagsisilbing private service provider para sa PSA para sa mabilisang proseso ng nabanggit na mga dokumento.
Samantala, dumalo rin sa inauguration sina Cotabato Provincial Governor at RDC Chairperson Emmylou βLalaβ TaliΓ±o-Mendoza, 2nd District of Cotabato Representative Rudy Caoagdan na naging instrumento rin upang mapabilis ang paglalagay ng CRSO sa Kidapawan City at si City Councilor Aljo Cris Dizon na nagpahayag ng suporta at pasasalamat sa presensiya ng CRS Outlet sa lungsod.
Sa hanay naman ng PSA ay dumalo sina Undersecretary Dennis Mapa (National Statistician at Civil Registrar General), PSA 12 Regional Director Atty. Maqtahar Manulon, at iba pang opisyal ng tanggapan.
Nagbigay naman ng virtual message si National Economic and Development Authority 12 Regional Director Teresita Socorro Ramos kung saan pinuri niya ang ginawang hakbang ni Mayor Evangelista na magtatag ng isang pasilidad na tulad ng Civil Registry System Outlet na tunay na mapakikinabangan ng mga Kidapawenos at iba pang mamamayan ng lalawigan at mga kalapit probinsiya.
Maliban rito, ay malaking tulong din sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya ang pagkakaroon ng CRS Outlet at hudyat naman ito upang magkaroon ng iba pang tanggapan ng mga regional at maging national agencies sa lungsod.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Evangelista sa mga nabanggit na opisyal ng PSA at NEDA 12 sa kanilang positibong tugon at sa pakikiisa sa hangaring mailapit ang tunay na serbisyo publiko sa mamamayan. (CIO)