𝗗𝗢𝗟𝗘 𝟭𝟮 𝗥𝗗 𝗚𝗢𝗡𝗭𝗔𝗟𝗘𝗦, 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗝𝗣𝗘 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗜𝗔𝗟 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥 𝗗𝗔𝗬 𝗖𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/05/01 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (May 1, 2023) – PINANGUNAHAN nina Department of Labor and Employment (DOLE) 12 Regional Director Joel Gonzales at Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang isang tree planting activity sa National Highway – Boundary ng Barangay Binoligan at Barangay Amas, Kidapawan City, alas-7 ng umaga sa pagdiriwang ngayong araw ng Labor Day.

Mga binhi ng pine tree (Agoho) ang itinanim ng dalawang opisyal kung saan ipinahayag ni RD Gonzales ang kanyang kasiyahan na maging bahagi sa sama-samang pagtatanim para sa proteksyon ng kapaligiran.

Sa naturang pagkakataon ay nagtanim din ang mga personnel ng Public Employment and Service Office sa pangunguna ni PESO Manager Herminia Infanta.

Mula 200-300 seedlings ang matagumpay na naitanim sa lugar, ayon sa City Environment and Natural Resources o CENRO na kasama rin sa pagtatanim ng nabanggit na mga puno at bilang lead agency ng tree planting.

Bahagi naman ito ng CANOPY 25 Project ng City Government of Kidapawan na naglalayong makapagtanim ng abot sa 2.5 milyong punong-kahoy sa mga strategic areas tulad ng Sarayan River sa Barangay Ginatilan, Watershed sa Barangay Perez, at kahabaan ng boundary ng Barangay Lanao-Barangay Amas ng lungsod at iba pang piling lugar.

Dumalo din sa aktibidad si DOLE Cotabato Senior Labor Officer Ernesto Coloso at si Acting City Administrator Janice Garcia.

Samantala, dadalo naman sa pagbubukas ng 3-day Job Fair sa City Gymnasium, alas-otso ng umaga ngayong araw si RD Gonzales bilang panauhing pandangal kung saan iba’t-ibang local and overseas companies ang mag-aalok ng trabaho sa mga jobseekers. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio