𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟯,𝟬𝟬𝟬 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦, 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗥

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/11/16 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (November 16, 2023)
Kahapon ay sinimulan na ng mga taga Traffic Management and Enforcement Unit o TMEU at City Tricycle Franchising and Regulatory Board o CTFRB ang walong (😎 araw na Traffic Rules and Regulations Seminar para sa lahat ng tricycle drivers at operators sa lungsod.

Pangunahing requirement ang seminar para makapag-renew ng prangkisa at permit ang mga ito.
Saklaw ng seminar, na isinasagawa sa loob ng City Gymnasium, ang mga batas trapiko at tamang pakikitungo sa kanilang mga pasahero.

November 15 hanggang 16 ang schedule ng seminar para sa mga KD Route 1 o may rutang Barangay Poblacion, at KD Route 2, dahil ang mga ito ang may pinakamaraming bilang ng mga pampasaherong tricycle sa lungsod.

𝙎𝙖 𝙉𝙤𝙫𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧 20, 𝙣𝙖𝙠𝙖 𝙨𝙘𝙝𝙚𝙙𝙪𝙡𝙚 𝙖𝙣𝙜 𝙍𝙤𝙪𝙩𝙚 2, 3 𝙖𝙩 4. 𝙃𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙉𝙤𝙫𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧 21 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙮 𝙍𝙤𝙪𝙩𝙚 3, 4, 5.

𝙎𝙖 𝙉𝙤𝙫𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧 22 𝙖𝙣𝙙 𝙍𝙤𝙪𝙩𝙚 4, 5, 6, 7. 𝙎𝙖 𝙉𝙤𝙫𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧 23 𝙖𝙣𝙜 𝙍𝙤𝙪𝙩𝙚 5, 6, 7, 8. 𝙎𝙖 𝙉𝙤𝙫𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧 27 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 28 𝙖𝙣𝙜 𝙍𝙤𝙪𝙩𝙚 9, 10, 11.

At ang huling araw ng seminar sa November 29 ay bukas para sa lahat ng ruta na hindi nakapagseminar.

Simula December 1 hanggang 29 naman, maliban sa mga araw ng Linggo, ay isasagawa ang inspection o pagsusuri sa lahat ng tricycle units sa opisina ng TMEU.

Sa tala ng TMEU, mayroon 3,350 rehistradong pampasaherong tricycle sa lungsod.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio