NEWS | 2023/02/15 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Pebrero 13, 2023) โ PORMAL ng binuksan sa publiko ang kauna-unahang Eco-Park at Skating Rink na matatagpuan sa Barangay Magsaysay, City Kidapawan sa mismong araw ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Kidapawan bilang isang ganap na lungsod o Kidapawan City Charter Day.
Nanguna sa makasaysayang okasyon si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice-Mayor Melvin Lamata, Jr. at mga konsehal sa pagsasagwa ng ribbon-cutting bilang hudyat na bukas na ang pasyalan para sa publiko.
Sinundan ito ng pagsasagawa ng blessing rites na pinangunahan ni Fr. Alfredo Palomar, Jr. DCK.
Si Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza ang panauhing pandangal sa programa na dinaluhan din ni 2nd District of Cotabato Senior Board Member Joseph A. Evangelista at iba pang mga bisita mula sa ibaโt-ibang ahensiya at organisasyon.
Ang Eco-Park at Skating Rink sa Barangay Magsaysay ay siya ring pinakabagong tourist attraction sa lungsod kung saan ito ay maaaring ipagmalaki dahil sa ganda at kaayusan ng lugar ganundin ang patuloy na pagpapaganda ng nabanggit na park.
Pyro-Music at Concert ng local bands at December Avenue dinagsa
Samantala, dinagsa naman ng napakaraming mamamayan ng lungsod at mga karatig-bayan at maging mula sa ibang probinsiya ang ginanap na Pyro-Musical (fireworks display with dance music) at concert ng mga local bands na Broriginals at Sora at ang tanyag na na December Avenue Band na kumanta ng kanilang mga super hit songs na โSa Ngalan ng Pag-ibigโ, Kung โDi Rin Lang Ikawโ, โKahit โDi Mo Alamโ, โBulongโ, at iba pa.
Naging mapayapa sa kabuuan ang pagdiriwang ng ika-25 Charter Day ng Kidapawan City kung saan naging makabuluhan ang takbo ng mga aktibidad dahil na rin sa tiwala at suporta ng mamamayan.
Tema ng pagdiriwang ng 25th Charter Day Anniversary ng Kidapawan city ay โ๐๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐ช๐ด ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ญ๐ช๐จ๐ช๐ณ๐ข๐ฏ, ๐๐ฐ๐ฃ๐บ๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ข๐ด๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ, ๐๐ช๐ด๐ช๐ฑ๐ญ๐ช๐ฏ๐ข๐ฅ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐บ๐ข๐ฏโ.