𝗟𝗨𝗡𝗧𝗜𝗔𝗡 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 ’𝟮𝟯-𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔, 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗣𝗢𝗡𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝟰𝟬 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬𝗦 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗜𝗞𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/05/21 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 20, 2023) – BINUKSAN na ang Luntian Basketball League 2023 – Inter-Barangay Basketball na isa sa pinakaabangang laro tampok ang 40 barangays ng Lungsod ng Kidapawan.

Suot ang kanilang mga uniporme ay nagpasiklaban ang mga koponan ng bawat barangay at nakiisa sa opening program na ginanap sa City Gymnasium, alas-nuebe ng umaga ngayong araw ng Sabado, Mayo 20, 2023.

SI Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa formal opening ng naturang basketball league kung saan natuwa siya sa mainit na suporta ng bawat barangay.

Pero bago ang pormal opening, ginawa muna ang ceremonial turn-over ng 40 brand new basketball para sa 40 teams kasama ang kani-kanilang mga Punong-Barangay.

Si Mayor Evangelista ang nag-abot ng bola kasama ang iba pang panauhin na sina Kidapawan City Chief of Police LtCol Peter Pinalgan, Acting City Administrator Janice Garcia, City Councilors Gallen Ray Lonzaga at Jason Roy Sibug, at LGU Sports Coordinator Ramil Deldo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Evangelista na sa pamamagitan ng inter-barangay sports ay mapapalakas ang ugnayan ng mga barangay lalo na sa aspeto ng sportsmanship at unity.

Masayang inihayag ng alkalde na tatanggap ng tumataginting na P100,000 cash prize ang magiging champion ng naturang palaro kung saan nagpalakpakan at nagpasalamat ang lahat ng mga players.

Naglaban sa opening game ang kapwa powerhouse team na Barangay Poblacion at Barangay Sudapin kung saan nagwagi ang Barangay Poblacion sa score na 83-75.

Gaganapin naman ang Luntian Basketball League – Inter-Barangay Basketball ’23 bawat Sabado at Linggo hanggang sa sumapit ang kampeonato. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio