NEWS | 2023/05/08 | LKRO
Mas maginhawa na ang daloy ng mga sasakayan sa daan ng purok 3 patungong purok 7 ng barangay Gayola matapos pagawan ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan ng road concrete ang lugar.
Ang Barangay Gayola ay matatagpuan sa pagitan ng Barangay San Isidro at Barangay San Roque. At may mga pangunahing produkto na kinabibilangan ng palm, niyog, goma, palay, mais, saging, graba at buhangin. Ang nasabing barangay ay isa lamang sa mga pook ng lungsod na namomroblema sa kalagayan ng kanilang daan, lalo na tuwing tag-ulan. Partikular na ang purok 3 ng nasabing barangay na syang pinakamadalas na daanan ng mga sasakyan dahil mas malapit ito papunta ng purok 7 at barrio, gayundin papunta ng brgy. San Roque na katabing barangay nito.
Madalas na ginagamit ng mga taga Brgy. San Roque ang daan sa purok 3 ng barangay Gayola palabas ng bayan upang ikalakal ang kanilang mga produkto โ na kadalasan ay ikinakarga sa mga nagsisilakihang truck. At dahil sa pinagsamang uri ng lupa, laki at bigat ng mga sasakyang dumadaan dito, at maulang panahon ay nagkakaroon dito ng mga animoy maliliit na fishponds na sya namang naging pangunahing problema na kanilang hinaharap. Ang mga sasakayan kasi na dumadaan dito ay madalas na naaantala dahil sa nababaon ang mga gulong nito sa daan, dagdag pa dito ay pinangangambahan nila na kapag sa panahon ng emergency ay maantala ang kanilang pagbyahe. Dahil dito ay napipilitan silang lumibot sa mas malayong ruta upang maiwasan ang pagkaantala.
Subalit ngayon ay mas mabilis na ang tranportasyon sa lugar mula nang matapos ang road concreting sa nasabing barangay ay mas naging matiwasay ang naging daloy ng kalakaran sa kaniang lugar. Ang nasabing road concreting project na nagdudugtong sa purok 3 at purok 7 ng barangay ay may habang tatlong daan at apat na puโt limang metro o 345 meters na nagkakahalaga naman ng abot sa P2, 877, 749 โ pondo na nagmula sa Local Government Support Fund โ Support to Barangay Development Program. Dagdag pa rito ay nakipagtulungan din ang NTF ELCAC, DBM at DILG sa proyekto na naisakatuparan sa pamamagitan ng City Government of Kidapawan.
Lubos ang galak at pasasalamat ng mga residente sa natanggap na proyekto. Inaasahan nila na sunod-sunod na ang pagpasok ng kaunlaran sa kanilang lugar at matamasa ng susunod na henerasyon ang benepisyo na hatid ng maayos at matibay na daan.