๐— ๐—š๐—” ๐——๐—˜๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—”๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข ๐—ก๐—š ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—ž๐—œ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—”๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—›๐—˜๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—ก๐—ข๐—ฃ๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—š๐—ฅ๐—ข๐—ช๐—œ๐—ก๐—š

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/04/14 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 13, 2023) โ€“ MAS pinalakas pa ang kampanya para sa kaligtasan ng kapaligiran o environmental protection sa Lungsod ng Kidapawan.Ito ay makaraang bumalik ang ibaโ€™t-ibang departamento ng City Government of Kidapawan sa watershed na matatagpuan sa Sitio Sumayahon, Barangay Perez, Kidapawan City upang magtanim ng mga karagdagang punong-kahoy tulad ng lawaan, dao, tinikaraan at iba pang maituturing na endemic trees sa naturang lugar na isang Strict Protection Zone.Hinati sa apat na grupo ang ibaโ€™t-ibang mga tanggapan ng City Government upang magsagawa ng tree planting at tree growing activity at ito ay ang mga sumusunod: Group 1 โ€“ Office of the City Agriculturist, Office of the City Assessor, City Health Office, Public Employment and Service Office, at City Environment and Natural Resources Office na una ng nagtungo sa watershed (Site 3) kahapon, Abril 12, 2023. Group 2 โ€“ Office of the City Accountant, Office of the City Engineer, City Social Welfare and Development Office, Office of the Senior Citizens Affair, Office of the Civil Registrar, City Information Office, Local Economic Development and Investment Office, City Legal Office, Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan, SP Secretary, at Office of the City Treasurer kung saan nagtungo ang mga ito ngayong araw ng Miyerkules, Abril 13, 2023. Group 3 โ€“ Civil Security Unit, Office of the City Veterinarian, Office of the City Mayor, Office of the City Vice-Mayor, Kidapawan City Anti-Vice Regulation, Market Administration, Overland Terminal, Building Permit Licensing Office, Culture and Arts, Tourism, PODO, Internal Audit Service, at Information Communication Office, Tribal Office, City Administrator, GeoPindot, City Gymnasium and Convention na magtatanim sa Abril 18, 2023. Group 4 โ€“ Office of the City Budget Officer, Human Resource Management Office, City Cooperative Development Office, City General Services Office, Bids and Awards Committee, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Office of the City Building Official, City Planning and Development Office, Pag-Amuma Assistance Unit (PAU), Motorpool, at Traffic Management and Enforcement Unit.Magagawang itanim ng mga nabanggit na grupo/departamento ang tinatayang 8,000 punong-kahoy na naayon naman sa layunin ng CANOPY 25 kung saan target na makapagtanim ng kabuuang 2.5 milyong punong-kahoy at mapalakas pa ang proteksiyon at pangangalaga ng kapaligiran at para mabawasan ang mga matitinding pagbaha at iba pang uri ng kalamidad. Inilungsad ang CANOPY 25 nitong Pebrero 21, 2023 sa bahagi Sarayan River, Barangay Ginatilan, Kidapawan City kung saan nakiisa ang ibaโ€™-t-ibang sektor tulad ng government, non-government organizations, peoplesโ€™ organizations, academe, business, at maraming iba pa sa pagtatanim ng mga endemic trees sa lugar.Samantala, mas lumawak pa ang suporta sa CANOPY 25 na isa sa pinakamahalagang proyekto ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista dahil sa patuloy na pagdami ng mga volunteers mula sa ibaโ€™t-ibang sektor ng lipunan na kaisa sa layuning mailigtas ang mga mamamayan partikular na ang mga susunod na henerasyon mula sa negatibo o mapanirang epekto ng pagbabago ng klima o climate change. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio