NEWS | 2024/02/15 | LKRO
KIDAPAWAN CITY ( February 9, 2024) – BINIGYAN NG PAGKILALA ng City Government of Kidapawan ang mga business establishments sa ginanap na Gala Night Awarding of Top Local Taxpayers para sa taong 2023.
Paraan ito ng City Government na kilalanin ang kontribusyon ng sektor ng negosyo sa kaunlaran ng lungsod mula sa kanilang pagbabayad ng buwis sa nakaraang taon.
Hinati sa Micro, Small, Medium, Large at Corporation Business Enterprise Categories ang pagbibigay ng gawad.
Hindi makakapagbigay ng tamang programa, proyekto at serbisyo sa mamamayan ang City Government kung walang suporta ng business sectors sa pamamagitan ng buwis na kanilang ibinabayad sa pamahalaan, ito ang wika ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista.
Kanya ring sinabi na nararapat lamang na pasalamatan ang kanilang mga kontribusyon sa pagpapatupad ng mandato ng pamahalaan na mapabuti ang buhay ng mga mamamayan.
Saludo at buo naman ang kanilang suporta, ani pa ng business sectors sa administrasyon ni Mayor Evangelista, lalo pa at nakikita nila ang pagpupunyagi ng City Government na paunlarin pa ang kabuhayan ng mga Kidapawenyo mula sa local taxes na kanilang binabayad.
Ginanap ang Gala Night Awarding of Top Local Taxpayers sa Park Lay Suites sa Barangay Poblacion ngayong gabi ng February 9, isa sa mga highlights ng 26th Charter Day ng Kidapawan City.