𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗚𝗢𝗩’𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗡, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/07/11 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – ( July 10, 2023) Binigyan ng katuparan ni City Mayor Atty Pao Evangelista ang ipinangakong magbebenta ng murang bigas o Luntian Rice ang City Government of Kidapawan sa mga ibat-ibang baranggay ng lungsod.

Unang nakabiyaya nito ang Barangay Malinan at Katipunan na kung saan ay nagbenta doon (July 8, 2023) ang City Government ng tig- P20 kada kilo ng bigas sa ilalim ng pangangasiwa ng mga kawani ng Office of the City Agriculturist.

Isa ito sa mga pambihirang programa ng City Government na mismong ang LGU ang lumapit sa mga residente ng barangay upang mabigyan sila ng access sa programang murang bigas. Maala-alang sinabi ni Mayor Pao sa kanyang State of Our City Address o SOCA na bibigyan niya ng pagkakataong makabili din ng mura ngunit mataas na kalidad na bigas ang mga nasa malalayong barangay.

Maliban pa sa Luntian Rice, may ipinagbibili rin na sariwang gulay at isdang tilapia mula sa mga lokal na magsasaka at mangingisda sa aktibidad sa Malinan at Katipunan, na mga malalayong lugar mula sa sentro ng lungsod.

Sa pamamagitan ng programang nabanggit ay natutugunan ng City Government ang seguridad sa pagkain ng mamamayan habang nabibigyang din pagkakataon na magbenta at kumita ang mga lokal na magsasaka ng lungsod.

Tutulak naman sa iba pang barangay ang kahalintulad na aktibidad sa mga susunod pang mga araw o di kaya ay sa mismong pagdiriwang ng kapistahan ng barangay kung saan ay gaganapin doon ang KDAPS o Kabaranggayan Dad-an sa Serbisyo ug Programa. ##(cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio