NEWS | 2023/12/06 | LKRO
KIDAPAWAN CITY β (December 5, 2023)
Nakatuon sa Rights to Survive, Self-Development, Protection and Participation ng mga bata ang mahigit kalahating oras na State of the Childrenβs Address ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa City Gymnasium, kaninang ala 1:00 ng hapon.
Ito ang siyang pinaka-highlight sa selebrasyon ng 31st National Childrenβs Month sa lungsod.
Giit ng alkalde, habang nasa sinapupunan pa lamang ang isang bata ay nagsisimula na rin ang kanyang Survival Right, kung saan katuwang ng kanyang magulang ang City Government sa pamamagitan ng pag-aaruga sa kalusugan.
Ang Self-Development naman ay sa pamamagitan ng pagbibigay subsidiya at learning devices ng City Government sa mga Child Development o Day Care Centers para mapalago ang literacy at moral values ng mga bata.
Habang ang Rights to Protection ay nakatutok sa pagtitiyak na ligtas ang mga bata sa ano mang uri ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang tahanan, paaralan, komunidad at sa social media, ayon pa sa report ni Mayor Evangelista.
Binibigyan din ng pagkakataon ang mga bata na maging aktibo bilang bahagi ng kanilang Rights to Participation sa mga programa ng pamahalaan na naglalayung paunlarin ang pamayanan sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga opinyon at desisyon sa mga usapin ng lipunan.