NEWS | 2023/07/06 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – (July 5, 2023) MAS MAPAPABILIS na ang pagluluwas ng mga produkto ng mga magsasaka ng Purok Durian ng Brgy. Malinan papunta ng merkado matapos isinagawa ang Ground Breaking ceremony para sa road concreting project at reinforced concrete pipe culvert installation with headwall sa lugar.Malaking tulong ito sa kanila, ayon pa kay Malinan Barangay Chair Gemma Pajes dahil aniya, matutugunan na nito ang kanilang hinaing hinggil sa hindi na maayos na daan. Makikinabang dito lalo na ang mga magsasaka sa lugar upang maibenta ang kanilang produkto palabas ng barangay Malinan.Nagkakahalaga ang nasabing proyekto ng abot sa Php 8, 820, 871.00 na nagmula sa 20% Economic Development Fund ng City Government.Sa kanya namang panig, sinabi ni City Mayor Atty Pao Evangelista na sa pamamagitan ng proyekto ito ay inaasahan na mas mapapabilis na ang kalakalan at pagpasok ng kaunlaran sa lugar.Dagdag pa ng alkalde na magpapatupad pa ng iba pang mga proyekto na naglalayung paunlarin ang pamumuhay ng mga residente ng Barangay Malinan.Dumalo sa naturang groundbreaking ceremony sina City Councilors Aljo Cris Dizon, Michael Ablang, at Jason Roy Sibug, Barangay council members ng Malinan at mga department managers ng City LGU.##(cio)