NEWS | 2023/07/04 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – (July 4, 2023) PORMAL NG IBINIGAY NG Office of the Civil Defense ang bagong Regional Evacuation Center (REC) facility sa City Government of Kidapawan.
Mismong si OCD XII Regional Director Gen. Raylindo AniΕon ang nagbigay ng REC kay Kidapawan City Mayor Atty. Pao Evangelista sa Turn-Over Ceremony ng pasilidad ngayong araw ng Martes, July 4, 2023.
Nagkakahalaga ng abot sa P36 Million ang naturang pasilidad na inaasahang magbibigay ng maayos, malinis, ligtas at kapaki-pakinabang na masisilungan ng mga biktima ng kalamidad sa lungsod.
May sarili ng linya ng tubig at kuryente, palikuran, multi purpose covered court at bakod ang REC na matatagpuan sa lupang pag-aari ng City Government sa Barangay Sudapin Kidapawan City.
Naatasan namang magpatayo ng REC ang Department of Public Works and Highways o DPWH.
Sinimulang ipatupad ang proyekto taong 2020 sa panahon ni dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph Evangelista matapos ang mga malalakas na paglindol na nangyari sa lungsod at karatig lugar buwan ng Oktubre 2019.
Maliban kina Mayor Atty Pao Evangelista at OCD XII Regional Director AniΕon, dumalo din sa okasyon sina Atty. Jerano Paulo Pulido na siyang kinatawan ni DPWH XII Regional Director Bashir Ibrahim, Sudapin Brgy Chair John Carl Sibug at kanyang konseho, City Councilors Mike Ablang, Judith Navarra, at Galen Ray Lonzaga, mga department heads ng City Government at mga kawani ng CDRRMO.
Ang City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO ang siyang mangangasiwa sa pagpapatakbo ng nabanggit na pasilidad.
Ibinigay ng OCD XII ang Regional Evacuation Center kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo.##(CMO/cio)