NEWS | 2023/11/20 | LKRO
KIDAPAWAN CITY- (November 20, 2023)
Dalawang araw na itinaguyod ng City Council for the Protection of Children (CCPC), City Social Welfare and Development (CSWD), World Vision, at Regional Council for the Welfare of Children (RCWC) ang Children’s Congress sa lungsod nitong weekend (November 18 at 19), bilang isa sa mga aktibidad ng National Children’s Month Celebration ngayong buwan.
Apatnapu’t apat (44) na mga kabataan, edad sampo (10) hanggang labing pitong (17) taong gulang, ang lumahok sa consultation at workshop, kung saan pinag-usapan at inunawa ang mga isyu na nais nilang isangguni sa Lokal na Pamahalaan.
Kabilang sa mga isyung nabanggit ang tungkol sa Child Labor, Child Abuse, Gangsterism, at Cyberbullying, at Teenage Pregnancy.
Pangunahing isyu ang Teenage Pregnancy, na kalimitang sanhi ng kanilang pag-usisa dahil narin kulang sila sa paggabay sa pagkakaroon nila ng access sa teknolohiya (lalo na online). Ito rin ang nagiging dahilan ng kanilang pagtigil sa pag-aaral.
Sa flag ceremony kanina sa City Hall Lobby nakiisa ang mga kawani, sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, na nanumpang makikibahagi sa pagtiyak na mapangalagaan ang mga karapatan at kapakanan ng kabataan sa pamamagitan ng mas angkop na mga programa at proyekto para sa kanila.