NEWS | 2023/02/15 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Pebrero 13, 2023) β MATAPOS na makatanggap ng hito at tilapia fingerlings para sa pagpapalago ng fishpond livelihood ay nakatanggap na naman ng karagdagang ayuda ang abot sa 105 hito at tilapia growers sa Lungsod ng Kidapawan.
Ginanap ang pamamahagi ng nabanggit na feeds nitong Sabado, Pebrero 11, 2023 o bisperas ng ika-25 Charter Day ng Kidapawan City sa Eco-Tourism Park, Barangay Magsaysay, Kidapawan City sa pangunguna ng Office of the City Agriculturist.
Ang feeds distribution ay bahagi ng Cost Recovery Program ng OCA para sa mga magsasaka lalo na iyong mga naapektuhan ng kalamidad tulad ng flashflood at ibaβt-ibang sakit ng mga alagang hayop, ayon kay City Agriculturist Marissa Aton.
Sa ilalim nito ay bibilhin ng City Government of Kidapawan ang mga ani o fish harvest ng upang di na mahirapang ibenta ang mga isda at matiyak ang kita ng mga magsasaka, paliwanag pa ni Aton.
Maliban kay Aton at mga personnel ng OCA, sinaksihan din ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang pamamahagi ng fingerlings at matapos nito ay nagbigay ng mensahe sa mga recipients.
βTuloy-tuloy ang pagtulong ng City Government sa mga napapalago ng hito at tilapia. Malaking tulong ang ipinagkaloob na feeds para sa inyo upang matiyak ang magandang ani. Magbibigay-daan ito sa pag-angat ng inyong kabuhayanβ, ayon sa alkalde.
Matapos naman ang pamamahagi ng fingerlings ay sumailalim ang mga benepisyaryo sa Orientation on LGU Fisheries Programs, Projects, and Activities sa pamamagitan ni Efren Temario, ang Fisheries Coordinator ng OCA.
Sinundan naman ito ng Orientation on Kidapawan City Integrated Fisherfolks Association o KCIFA Registration and Activities sa pamamagitan ni Emilio Lavilla, Presidente ng KCIFA.
Nagtapos naman ang aktibidad sa pamamagitan ng mass application ng mga fisherfolks sa Philippine Crop Insurance Corporatoopn o PCIC para matiyak ang seguridad ng kanilang mga pananim o produkto.
Matatandaang nitong nakalipas na buwan ng Enero at ngayong Pebrero ay nakatanggap ng hito at fingerlings ang halos 150 na maliliit na fisherfolks mula sa ibaβt-ibang barangay ng Kidapawan City mula sa OCA.
Paraan ito ng City Government upang matulungan ang lahat ng mga magsasaka sa lungsod kabilang ang rice and corn growers, vegetable and fruit growers, livestock at mga nagpapalago ng fishpond (hito at tilapia) at tiyakin ang food sufficiency and stability sa lungsod. (CIO-jscj//aa//if)