NEWS | 2024/02/02 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – (January 31, 2024) DALAWAMPU AT SIYAM (29) na violators ng City Ordinance number 18-1211 o ang pagbabawal na manigarilyo o mag vape sa mga pampublikong lugar, ang sinita at pinagmulta ng Kidapawan City Anti-Vice Regulation and Enforcement (KIDCARE) Unit.
Nakapaloob ito sa KIDCARE Unit Apprehension Report na may petsang January 17-24 kung saan ginawa ang panghuhuli sa mga lumabag ng naturang ordinansa sa iba’t-ibang lugar sa Kidapawan City.
P1,500 para sa first offense, P 3,000 sa second offense at P5,000 para sa third offense ang naghihintay na kabayaran sa mga violators ng ordinansa.
Samantala, may isang bar naman sa Jose Abad Santos Street ng Barangay Poblacion ang sinita at inisyuhan ng citation ticket ng KIDCARE Unit dahil na rin sa pagtitinda nito ng nakalalasing na inumin na lagpas na sa itinakdang oras.
Basehan nito ang City Ordinance Number 15-1061 o An Ordinance enacting the Kidapawan City Public Safety, Security, Peace and Order of 2015.