NEWS | 2023/03/24 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Marso 23, 2023) โ SA temang โRespecting Diversity Through Joint Social Actionโ ay ipinagdiwang ng mga Registered Social Workers mula sa ibaโt-ibang munisipyo sa Lalawigan ng Cotabato at sa Lungsod ng Kidapawan ang World Social Work Day 2023 ngayong araw ng Huwebes, Marso 23, 2023.
Ginanap ang pagdiriwang sa Kidapawan City Gymnasium na pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO na nagsibi namang host ng aktibidad sa pangunguna ni Daisy Gaviola ang CSWD Officer ng Kidapawan.
Bilang panimula ay sabay-sabay na binigkas ng mga social workers ang Code of Ethics of Social Workers sa pangunguna ni John Karlo Ballententes, ang Municipal Social Welfare and Development Officer ng Midsayap, Cotabato.
Sinundan ito ng pagbibigay ng welcome message ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kung saan mainit niyang binati at tinanggap ang mga partisipante kasabay ang pagkilala sa kakayahan at kahusayan ng mga social workers.
Sinabi ng alkalde na isa itong magandang pagkakataon para sa mga naturang empleyado ng pamahalaan na magtipon-tipon at magbigay ng updates.
Dumalo rin at nagbigay ng inspirational message si Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza. Sentro ng mensahe ng gobernadora ang mahalagang papel ng mga social worker hindi lamang sa panahon ng kalamidad kundi sa lahat ng pagkakataon na nakahanda ang kanilang hanay upang tumulong sa mamamayan.
Bahagi rin ng aktibidad ang Presidentโs Report ng Philippine Association of Social Workers, Inc. o PASWI North Cotabato Chapter na iniulat ni Aloha Ballos (President โ PASWI) at ang Treasurerโs Report na ibinigay naman ni Catherine Quijote (Treasurer โ PASWI).
Nagbigay ng message and update si Lina Canedo, ang MSWD Officer ng Makilala na dumadalo sa isang international convention sa Vietnam.
Matapos nito ay namahagi ng mga Certificate of Recognition at Plaque of Appreciation ang PASWI โ North Cotabato sa mga natatanging miyembro at ginanap din ang election of officers para sa taong 2023-2025.
Lalong naging memorable ang aktibidad dahil nagsagawa ng tribute para sa mga PASWI retirees at pati na patimpalak tulad ng singing, Tiktok dance, at Zumba contest kasama pa ang raffles and socialization.
Sa kabuuan ay naging makulay at tunay na makabuluhan ang okasyon dahil nagkaroon ng espesyal na pagkakataon ang hanay ng mga RSW na magkasama-sama at ipadama ang respeto at pakikiisa lalo na sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa bayan. (CIO)