NEWS | 2023/10/25 | LKRO
Kidapawan City – (October 25, 2023)
Sinolusyonan na ng Lokal na Pamahalaan ang matagal nang suliranin ng mga magsasaka sa lungsod tungkol sa mapagbibilaran ng kanilang mga ani.
Kanina, itinurn-over na ng LGU, sa pamamagitan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, sa mga asosasyon at Barangay Local Government Units (BLGU), na kinabibilangan ng Samahan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries at magsasaka ng Barangay Gayola, Gasan-Esmar Irrigators Association, Ganesan Irrigators Association, Malinan Small Water Impounding System Association, Patadon Farmers Association, Macebolig Farmers Association, Sumbac Farmers Association, BLGU ng Sikitan, Macebolig, Gayola at Junction, ang kanilang hiniling na solar dryers.
Kaya naman, inaasahang maiibsan ang gastos sa trucking ng mga magsasaka gayundin ang ibinabayad nilang renta sa mga pribadong binibilaran nila ng kanilang mga ani. At bilang balik naman sa lungsod, inaasahang mas mahihikayat pa sa pagtatanim ng palay ang mga magsasaka para naman sa isinusulong na food security ng LGU.
Kanina, itinurn-over na ng LGU, sa pamamagitan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, sa mga asosasyon at Barangay Local Government Units (BLGU), na kinabibilangan ng Samahan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries at magsasaka ng Barangay Gayola, Gasan-Esmar Irrigators Association, Ganesan Irrigators Association, Malinan Small Water Impounding System Association, Patadon Farmers Association, Macebolig Farmers Association, Sumbac Farmers Association, BLGU ng Sikitan, Macebolig, Gayola at Junction, ang kanilang hiniling na solar dryers.
Kaya naman, inaasahang maiibsan ang gastos sa trucking ng mga magsasaka gayundin ang ibinabayad nilang renta sa mga pribadong binibilaran nila ng kanilang mga ani. At bilang balik naman sa lungsod, inaasahang mas mahihiyakat pa sa pagtatanim ng palay ang mga magsasaka para naman sa isinusulong na food security ng LGU.