NEWS | 2023/05/04 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (May 3, 2023) โ UPANG mapalawak pa ang kanilang kaalaman at mapalalim ang kakayahan, sumailalim sa dalawang araw na Good Agricultural Practices o GAP Training for Fruits ang abot sa 25 mga fruit growers mula sa Kidapawan City.
Ginanap ang naturang training sa Dr. Alfredโs Essetials, Inc. mula Mayo 2-3, 2023 kung saan naging resource persons ang mga personnel mula sa Department of Agriculture โ Regional Field Office 12 na sina Isidro Abrazado at Aiza Mae Godornes, pawang mga Agriculturist II.
Nagsilbing facilitator ng aktibidad sina Agricultural Technologist Corafer Moreno at High Value Crops Coordinator Anthony Samoy (GAP Coordinators).
Sa unang araw ay ibinahagi sa mga partisipante ang pamamaraan sa pagkamit ng Philippine Good Agricultural Practices o PhilGAP Certification (4 modules) at matapos ay nagkaroon din sila ng open forum para sa paglilinaw at karagdagang tugon sa mga inquiries mula sa mga fruit growers.
Sa pangalawang araw naman ng pagsasanay ay ginawa ang field visitation, pre-assessment and validation sa mga fruit farms (durian, lansones, manga, pomelo, pineapple, at mangosteen) na matatagpuan sa mga barangay ng Ginatilan, Meohao, Balabag, Mua-an, Indangan, at Sibawan na pag-aari mismo ng mga partisipante.
Nagkaroon din sila ng pagkakataon na makapag-tour sa mismong farm ng Dr. Alfredโs Essentials, Inc. kung saan nakatanim ang daan-daang mga puno ng mangosteen na pinagmumulan ng ibaโt-ibang produkto tulad ng mangosteen coffee, juice, tea at iba pa.
Maliban sa layuning mapalakas ang produksiyon ng mga fruit grower, target din na gawin silang mga active partners sa pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura ng local government, ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan.
Bahagi naman ng pagdiriwang ng Farmersโ and Fisherfolkโs Month Celebration ngayong buwan ng Mayo, 2023 ang GAP training na may temang โMasaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiyaโ.
Naniniwala ang Office of the City Agriculturist na sa pamamagitan ng aktibidad ay magkakaroon sila ng mas malawak na market linkage and opportunity at magampanan ang mahalagang papel sa pag unlad ng sektor ng agrikultura sa Kidapawan City.
Tumanggap naman ng Certificate of Training ang mga partisipante sa pagtatapos ng 2-day training. (CIO)