NEWS | 2023/07/10 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – ( July 10, 2023) Malugod na tinanggap ng abot sa 261 na mga TUPAD beneficiaries mula sa iba’t-ibang mga barangay ang kanilang sahod mula sa City Government. Umabot sa P7,360 ang natanggap na sweldo ng bawat beneficiary o P368 kada araw sa loob ng 20 araw na emergency employment sa ilalim ng TUPAD Program.
Nagtanim ng iba’t-ibang uri ng punongkahoy sa ilalim ng Canopy25 na programa ng City Government ang mga ito, ayon pa sa pamunuan ng Public Employment Services Office o PESO sa ginanap na distribution ng sweldo (July 10, 2023) kung saan ay magka-akibat sa programa ang Department Of Labor and Employment at City Government of Kidapawan.
Malaking tulong ang hatid ng TUPAD o ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating mga Displaced/Disadvantaged Workers hindi lamang para sa mga identified beneficiaries na kasali sa programa na magkaroon ng kabuhayan at malaki din ang ang tulong na hatid nito sa pagpo-protekta ng kalikasan. Nakapag-ambag ito sa pangkalahatang planong 2.5 Milyong bilang ng mga puno na itatanim sa ilalim ng Canopy25 Project. ##(CIO)