NEWS | 2023/10/24 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – (October 24, 2023)
Sa Barangay Poblacion nakatakdang itayo ang dalawang palapag na multi-purpose building para sa Reserve Infantry Battalion ng Reserved Command ng Armed Forces of the Philippines o AFP ng Probinsya ng Cotabato.
Kanina, isinagawa ang groundbreaking ceremony, bilang opisyal na pagsisimula sa konstruksyon ng itatayong infrastructure project, na dinalohan ng mga kinatawan ng AFP, AFP Reservists, DPWH, Kidapawan City Councilors at Department Managers.
Ang pondong gagamitin sa pagpapatayo ng gusaling ito ay manggagaling sa Congressional Fund ng 2nd Congressional District habang ang lupa namang pagtatayuan ay mula sa Kidapawan LGU.
Kung kaya, bahagi ng gusali ay gagamitin din nito.
Ang AFP Reservists ay mga sibilyan na sumailalim sa mga pagsasanay upang maging katuwang ng AFP sa panahon ng emerhensya, kalamidad at iba pang krisis.
Inaasahang matatapos ang gusali sa Abril sa sususnod na taon.