NEWS | 2023/06/19 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (June 19, 2023) – TUMANGGAP ng accreditation mula sa Office of the City Mayor ang tatlong mga Peopleβs Organizations o POs mula sa lungsod.
Sa pamamagitan ng accreditation ay mabibigyan ng prayoridad para sa pagtanggap ng livelihood projects mula sa City Government of Kidapawan ang tatlong POs na kinabibilangan ng Manongol IP Womenβs Organization, Kidapawan City Inland Fisherfolks Association at Poblacion Overseas Filipino Workers Association.
Personal na iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang Certificate of Accreditation para sa tatlong POs sa ginanap na Flag Raising Ceremony at Employee Convocation ngayong umaga.
Sumailalim muna sa training ng Advancing the Peopleβs Organization of Kidapawan CIty Through Innovation and Development of Social Capital o APO KIDS ang mga nabanggit na POs.
Isa sa mga nangungunang programa ni Mayor Evangelista ang APOKIDS na naglalayong tulungang maging matatag, maunlad at produktibo ang mga PO at Civil Society Groups sa lungsod.
Binigyan ng kaalaman sa financial literacy, entrepreneurial mind-setting, simple bookkeeping, records management and leadership and management seminar workshops ang tatlong nabanggit na POs, ayon kay Atty. Levi Jones Tamayo, ang Head ng Civil Society Development Unit (CSDU) ng City Mayorβs Office.
Sapat na ang naturang mga trainings para makatanggap ng ayudang pangkabuhayan mula sa City Government of Kidapawan ang naturang mga POs, dagdag pa ni Tamayo.
Kabilang sa first batch ang tatlong mga POs na nakatanggap ng accreditation o pauna lamang sa mga organisasyon na tinutulungan ng CSDU kung kayaβt hinihikayat ang iba pa na ayusin ang pamamalakad upang makatanggap din ng tulong mula sa Lokal na Pamahalaan. (CIO)