NEWS | 2023/07/10 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – (July 7, 2023) 500,000 NA BILANG NG PUNO NA ang naitanim ng City Government at ng partners nito sa ilalim ng Canopy25 na naglalayung mapreserba ang kalikasan at pagkukunan ng tubig maiinom sa lungsod ng Kidapawan.
Positibo si City Mayor Atty. Pao Evangelista na sa nabanggit na dami ng punong itinanim ng City Government at Stakeholders, hindi malalayong makakamit ang inaaasam na 2.5 MIlyong bilang ng puno na target ng Canopy25.
Nakapaloob ang ulat ng alkalde sa Serbisyo at Programa para sa Kalikasan, Disaster Resilience at Climate Change Adaptability Area of Governance sa kanyang State of Our City Address o SOCA.
Pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng sumali sa Canopy25 gaya na lamang ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular ang Department of Public Works and Highways, Metro Kidapawan Water District, Energy Development Corporation, CENRO at mga empleyado ng City Government of Kidapawan at ang pribadong sektor.
Naniniwala si Mayor Atty Pao Evangelista na kayang maabot ang minimithing 2.5 Million na bilang puno kung.patuloy na magtutulungan ang lahat para sa kabutihan at kaligtasan ng susunod na henerasyon ng mamamayang Kidapawenyo.
Kapag nakamit ito, tiyak na maitataguyod ang supply ng tubig maiinom, may tahanan ang iba’t ibang nilalang sa kagubatan at ligtas sa epekto ng climate change ang henerasyon sa hinaharap, paliwanag pa ni Mayor Pao Evangelista.##(cio)