NEWS | 2023/06/13 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Hunyo 13, 2023) β NAGBUNGA ang pagsisikap ng abot sa limampuβt tatlong jobseekers sa isinagawang 125th Independence Day: Kalayaan Job Fair sa City Convention Center kahapon, Hunyo 12, 2023.
Ito ay makaraang matanggap sila o Hired On The Spot (HOTS) at agad ding magsisimula sa trabaho, ayon kay Public Employment Service Office o PESO Manager Herminia Infanta.
Sa naturang bilang na 53, dalawampuβt dalawa ang male applicants habang nasa tatlumpuβt-isa naman ang female applicants, na pawang natanggap sa local employments, ayon pa kay infanta.
Layon ng 125th Independence Day: Kalayaan Job Fair na matulungan ang mas jobseekers mula sa Kidapawan City at maging sa mga kalapit na munisipyo o probinsiya na makahanap ng mapapasukang trabaho na angkop sa kanilang kakayahan o kapasidad.
Nagsimula ang job fair alas-otso ng umaga at nagtapos bandang alas-tres ng hapon kung saan nakapagtala ang PESO Kidapawan ng kabuoang bilang na 135 interested job applicants.
Samantala, ang mga local companies/employers na nagbukas ng kanilang kumpanya sa mga aplikante ay kinabibilangan ng Gaisano Grand Kidapawan, Toyota Kidapawan, Skygo Marketing, Elvirβs Bluesky Telecom, at McDonalds.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Infanta ang naturang mga kumpanya at ganundin ang Department of Labor and Employment o DOLE sa patuloy sa suporta at sa maayos na koordinasyon sa bawat job fair na isinasagawa ng PESO.
Magpapatuloy raw ang PESO Kidapawan sa pagsasagawa ng mga job fair alinsunod na rin sa mandato ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na tulungang makahanap ng trabaho ang malaking bilang ng mga jobseekers mula sa lungsod lalo na ang mga fresh graduates. (CIO)