𝟲𝟴 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗬𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢-𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗟𝗔𝗣𝗜𝗔 𝗔𝗧 𝗛𝗜𝗧𝗢 𝗙𝗜𝗡𝗚𝗘𝗥𝗟𝗜𝗡𝗚𝗦; 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 “𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟” 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/05/17 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 17, 2023) – ISA na namang magandang oportunidad ang ipinagkaloob sa mga local farmers/fish pond raisers sa pamamagitan ng Food Sufficiency Program na ipinatutupad ng Office of the City Agriculturist o OCA.

Ito ay sa ginanap na fingerling distribution sa City Pavilion alas-otso ng umaga ngayong araw na ito ng Miyerkules, Mayo 17, 2023 kung saan abot sa 68 magsasaka mula sa 24 barangays ang nakatanggap ng 120,000 tilapia fingerlings at 25,000 hito fingerlings, ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan.

Ilan sa mga recipients ay mga magsasaka mula sa mga barangay ng Ginatilan, Ilomavis, Kalaisan, Linangkob, Paco, Perez, San Isidro, Manongol, Amazion, Onica, at iba pa na nagpapalago ng fishpond bilang livelihood o pagkakakitaan.

Matapos naman ang distribution ng fingerlings ay sama-sama nagtungo sa Mateo River sa bahagi ng Barangay Perez ang abot sa 30 members ng City Agriculture and Fisheries Council o CAFC, personnel ng OCA, at ilang mga opisyal ng barangay pati ilang residente para sa Balik Sigla sa Ilog at Lawa o BASIL program.

Sa naturang pagkakataon ay nagpakawala sila ng abot sa 10,000 fingerlings ng hito/tilapia bilang bahagi ng pagpapanumbalik ng sigla at mapalakas ang diversity at natural habitat ng ilog ng Mateo.

Una ng isinagawa ng BASIL sa ilog ng Sarayan, Barangay Ginatilan noong Marso 21, 2023 kung saan nagpakawala rin ng maraming fingerlings ang OCA at CAFC sa naturang ilog. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio