NEWS | 2019/09/09 | LKRO
119TH CSC Anniversary…..City Gov’t officials and employees hinikayat na ibigay ang wastong serbisyo sa taumbayan
KIDAPAWAN CITY – HINIHIKAYAT ni City Mayor Joseph Evangelista ang lahat ng opisyal at kawani ng City Hall na ibigay ang wasto at tamang serbisyo sa taumbayan ayon na rin sa idinidikta ng batas.
Ito ang simplemeng mensahe ng alkalde sa mga bumubuo ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Kidapawan sa pagdiriwang ng 119th Year anniversary ng Civil Service Commission ngayong buwan ng Setyembre.
Sa temang Civil Service at 119: Upholding Integrity and Building a High-Trust Society, umaasa ang publiko sa mga kawani ng gobyerno na makapagbigay ng tamang serbisyo at maayos na pakikitungo sa mamamayan sa lahat ng panahon, wika pa ng alkalde.
Batayan din ang mga probisyong isinasaad ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kung saan ay idinidikta nito sa mga opisyal at kawani ng Pamahalaan na umiwas sa ano mang uri ng irregularidad at korupsyon at pagkakaroon ng payak at simpleng pamumuhay na naa-ayon sa batas ng estado.
Pinaka-highlight ng 119th Civil Service Month ay ang paggawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 Outstanding Government Officials and Employees ng bansa sa isang seremonya na gaganapin sa Malacañang sa September 19, 2019.
Pagkilala sa mahahalagang kontribusyon ng mga opisyal at kawani ng gobyerno sa kanilang pamayanan ang gawad parangal ng CSC.
Taong 2017 ng gawaran ng Pangulo si Ginoong Julito Saladan, Agricultural Technologist ng Kidapawan City Agriculture Office bilang isa sa Pag-asa Awardee ng Outstanding Government Employees ng bansa.
Napili bilang natatanging kawani ng gobyerno si Saladan matapos niyang maimbento ang African Night Crawler ANC Dormitel – isang kagamitan na nagpo-proseso sa mga nabubulok na basura na ginagawang organic fertilizer o compost.
Malaking tulong ang nabanggit na imbensyon ni Saladan sa kampanya ng City Government na malimitahan ang koleksyon ng basura at mapakinabangan ang mga ito sa mga tahanan at komunidad.(cio/lkoasay)
Photo caption President Rodrigo Duterte poses for a photo with Pag-Asa Awardee City Government of Kidapawan Agricultural Technologist Julito Saladan during the Gawad Career Executive Service (CES) and the 2017 Outstanding Government Workers Conferment Ceremony at the Malacañan Palace on September 20, 2017. Also in the photo is Civil Service Commission (CSC) Chairperson Alicia Bala.(Photo and caption from the Presidential Communications and Operations Office – file photo 2017))